Bacolod – Chapel of Cartwheels, Carbin Reef & The Ruins (Day2)

Pagkagising, kinatok na namin yung mga kasama namin. Mayamaya konti dumating na yung second batch (kasama na yung mga naiwan ng plane) para magcheck-in. Habang nagaantay sa mga nagaayos pa ng sarili, lumabas kami ni Dha at Gel para maghanap ng mabibilhan ng breakfast ngunit maaga pa at sarado pa ang mga kainan. Bumili muna kami ng napay (hindi ko napansin yung pangalan nung bakery ^__^? churi), baon namin papuntang Carbin Reef sa Sagay.

Pagbalik namin, dumating na din yung van namin. Nakilala namin si Uncle Sam, ang driver namin papuntang Sagay City. Dahil recommended ni Sir Mon, nakiusap kami kay Uncle Sam para idaan kami sa Chapel of Cartwheels sa Manapla dahil on the way naman ito.

Chapel of Cartwheels

“The Crucifix” of the Chapel of Cartwheels

Pagkatapos ng pictorial, dinaan kami ni Uncle Sam sa bilihan ng masarap na puto sa Manapla. Available in plain and cheese flavor. Ang ine-expect ko yung plain nilagyan lang ng cheese sa ibabaw ngunit hindi. Hahaha. Kulay yellow (duh!) yung cheese flavor na puto, mas bet ko yung plain (himala!) pero masrap parehas.

Mahaba haba ang biyahe papuntang Carbin Reef pero nabawasan ang estimated travel time namin dahil kay Uncle Sam.

Inihatid kami ni Uncle Sam sa Museo Sang Bata Sa Negros, isang interactive children’s museum, pagbaba namin tinawagan ni Mi yung contact nya na maghahatid samin sa Carbin Reef kasi by schedule and punta dun.

Museo Sang Bata Sa Negros

Antay ng konti at dumating na din yung contact namin, at pinasakay na kami sa bangka papuntang Carbin Reef. Bago kami umalis, may nag-brief samin ng house rules. Protected area ang Carbin Reef at bawal maguwi ng kahit ano at lahat ng basura namin dadalhin namin. The  usual stuff. More or less 30 mins ang biyahe. Super excited ako kasi first time ko sa isang sand bar! Woot woot! Ayan na! Natatanaw na namin ang Carbin Reef. Ang ganda!!!!

Carbin Reef! Wow!

Sand Bar! Weeee~

Ayun ang tent namin (rented for P300 for single, P500 naman kung double). Lagayan lang naman ng gamit kaya ok na kami sa single. Hehe.

Nilagay lang namin yung gamit namin sa tent tapos nagpictorial na. Ang linaw ng tubig, may maliliit na isda na sa may shore. ^__^
Snorkeling na! Time to gear up! (P300 per pair, includes gear and guide)

Fins!!!! Ang hirap maglakad ng may fins ah…

Life vest? Check! Goggles? Check! Fins? Check! Pagdating sa snorkeling spot, binaba nila koya yung hagdan(?) deretso sa tubig!!! Dahan dahan kaming naglakad (sabi ni kuya dapat daw patalikod yung lakad pag may fins pero matigas ulo namin at hindi kami nakinig. Haha.)

Ang linaw ng tubig… akala mo mababaw pa pero uber lalim na pala. At ang daming giant clams! Wala nga lang akong nakitang masahdong madaming isda, pero nagenjoy pa din ako.

Nang mapagod kami sa pags-snorkeling, sumampa na lang kami dun sa pang balance ng bangka katig kasi wala na kaming energy umakyat ng bangka. Hahaha. Akala ko hindi ako makakaakyat dahil wala talagang lakas ang arms ko. Hahaha! Ang sarap pala dun maupo. ^__^

Pagbalik sa sand bar, kinain namin yung mga baon naming puto at tinapay at deretso tambay/pictorial.

Sand dollar!

Tanghali na at gutom na kaming lahat. Ang laman lang ng mga tiyan namin ay tinapay at puto. Haha. Bumalik na kami sa Sagay, nagbanlaw sa Museo Sang Bata Sa Negros tapos naghanap na kami ng makakainan.

Glenda’s for lunch

Then pictorial ng saglit sa Legendary Siete sa Sagay City tour bago bumalik ng Winbelle.

Rio, Ann, Rhoda, Heidi, Jaja, Gel and Honeylette

Jeric

Pagbalik sa Winbelle, nagpahinga at natulog ang mga dapat matulog habang nagliwaliw kami ni Dha at Gel at nagpictorial sa Church.

San Diego Pro Cathedra

Loob ng church… So colorful!

Hindi ako nakapasok sa loob ng church kasi wala ako sa wisho… Nahihilo ako at medyo nasusuka. Buntis? Haha.

Pagbalik sa Winbelle, nagpaturo kami sa receptionist kung pano pumunta ng Ruins. Sakay lang daw kami ng bus papuntang Bacolod City then baba sa Talisay. Tapos trike na lang papunta sa Ruins. Ang problema, hindi mashadong alam ng mga tao ang Ruins (weird…) Ibinaba kami ni koya sa Talisay pero malayo pa pala sa sakayan ng trike.

Pagdating namin sa pila ng trike, parang hindi pa sigurado sila koya kung san yung Ruins… Pagkatapos mag-brainstorming nila manong trike driver, gorah na kami sa The Ruins. Grabe yung daan papunta sa Ruins, parang ruined na. Haha. At grabe ang layo! Inabot ng P200 yung trike namin (more or less P30 per head, six kami per trike).

The Taj Mahal of Negros Occidental

Entrance fee is P60 per head. Pag dating namin, namangha na kami sa ganda ng lugar. May lumapit samin at tinanong kami kung gusto namin sumama sa tour. Gorah! Tour!

Meet Kuya Roger!

Hyper si Kuya Roger at super funny. Sumasakit ang ulo ko sa mga jokes niya. Laugh trip talaga. May natutunan pa kami. Yung finishing ng Ruins gawa sa cement at egg whites. EGG WHITES!!! Napakatibay ng binder ng egg whites kahit na sinunog na yung Ruins ng three days, eto, nakatayo pa din.

After ng tour, pictorial uli shempre. Nagulat na lang kami lumapit si Kuya Roger samin at kinuha yung camera ni Ann sabay turo kung saan kami tatayo at magpopose…

Eto, walang special effects. Ipinatong lang ni Kuya Roger yung camera sa ibabaw ng salamin na table sa gitna ng garden… Astig!

Kuya Roger: Isa pa..

Kuya Roger: Dito po tayo…

Kuya Roger: Compress po tayo…

Lahat yan si Kuya Roger ang kumuha. Hahaha. Nakakastress pala maging mowdel. Lalo na kung kasing demanding ni Kuya Roger ang photographer mo. Buong time ng pictorial namin tawa kami ng tawa. Tip: ang pinakamagandang oras na pumunta dito ay mga 530PM. Ang ganda ng lugar during the sunset.

Takipsilim sa Ruins

The Ruins at night… BEAUTIFUL!

At dahil ayaw na namin sumabak sa daan pauwi sakay ng trike, nagpasundo kami kay Uncle Sam pabalik ng Winbelle. Habang nagaantay, bumili kami ng souvenir at tumabay uli kasama si Kuya Roger. Grabe. Hindi sha nauubusan ng kwento at jokes.

Continuation ng laugh trip with Kuya Roger

Kuya Roger: Pag sinabi mong Negros Occidental, ang unang naiisip ng mga tao ay The Ruins. Pag sinabi mong The Ruins, ang unang papasok sa isip ng mga tao ay si Roger.
Hmm… Hindi malayong mangyari yun, Hehe. Thanks so much sa pagtour at pagtambay kasama samin habang inaantay ang sundo namin, Kuya Roger! The best ka! \m/

Dumating na si Uncle Sam at nagulat kami kasi iba ang dinaanan namin pabalik. Maayos yung daan at saglit lang andun na kami sa Silay City proper. Hindi kasi alam nila manong trike driver yung short cut, kaya katakot takot yung daan na tinahak namin papunta ng Ruins kahit na may mabilis palang daan.

Nagpababa kami sa El Ideal kaso, sarado. Bigo pa din. Naghanap kami ng makakainan kaso sarado na ang karamihan ng kainan. 730PM palang… Naglakad lakad na lang kami at nakita namin ang Andie’s. Buti na lang may bukas pa…

Wala nang picture picture ng mga pagkain. Gutom na kaming lahat kaya deretso kain na pagdating ng mga order namin.

Naglakad uli kami pabalik ng Winbelle. Conversation with Mi (my trainer):

Mi: Kabisado ko na ang Silay. After one day, hindi na ako maliligaw.

Rio: … Wala… 😦

Mi: Maghanap ka ng traveling partner mo na may sense of direction para may navigator ka.

Rio: Hindi pwedeng ikaw?

Mi: May traveling partner na ako eh…

So… auditions para maging navigator ko is now open. Requirements: Bonggels na sense of direction (kaya magbasa ng maps) at kaladkarin. Hahaha.

Anyway, pagbalik sa Winbelle, ligo, ayusin ang day bag for tomorrow’s agenda, then tulog. Maaga ang call time namin kinabukasan. 500AM susunduin kami ni Uncle Sam.

Uncle Sam – 09193036501

Carbin Reef – Contact Tourism Office for reservations

Bacolod – Walking Silay Tour (Day1)

From work, pumunta si Dha sa Libis dahil sa bahay sha matutulog para sabay na kami papuntang airport at para matikman ang masarap na waffles ng Hanoel.

Picture c/o Jo (ninakaw ko lang ^__^v)

Nagtanong pa ako kay Zaicy kung san na lumipat ang Hanoel. Sa may Ynares daw so lakad kami ni Dha galing sa bahay papuntang Ynares kaso hindi namin natagpuan ang Hanoel. Napagkasunduan namin na sa KFC sa MIA road na lang kumain kasi baka malate kami sa flight namin.

Saktong sakto lang ang dating namin sa KFC, kung nakita namin ang Hanoel, malamang naiwan kami. Haha. Pagdating ni Mi (aka Deia) sa KFC, sumakay na kami ng taxi papuntang airport. Yung unang nasakyan naming taxi joke time, P100 per km daw. Isang malaking joke si manong kaya bumaba kami. May mga taxi dun na 150 lang asa airport ka na. Tsktsktsk…

Pagdating namin ni Dha at Mi sa airport, andun na sila Honeylette at John at sabay na kami nagcheck-in. Tinawagan ni Honeylette yung ibang kasama namin na kumakain para sabihin na nakapila na kami sa counter.

Si Nice, yung magche-check in samin sa counter sinabihan kaming close na daw ung counter kasi late kami. Shempre naginit ang ulo namin. Naka-mobile check-in kami. At asa pila kami sakto sa oras, hindi namin kasalanan kung matagal yung mga nauna samin sa pila kaya nalate kami. Ang ending, binigay din samin yung boarding pass namin at hinatid kami ni Kuya sa shuttle papunta sa plane. Pagdating namin sa shuttle, nalaman namin na hindi pa nakakasakay yung mga kasama namin. Panic mode kaming lahat. Tinawagan namin sila kaso walang sumagaot. Wala na kaming choice kung hindi sumakay ng plane ng wala sila. Nakausap ni Mi yung isang kasama namin na nasa gate na daw saktong pagsara ng pinto ng plane. Tsktsktsk….

Honeylette, Dha, Rio, Mi
Photographer: John

In fairness sa AirPhil, on time umalis ang plane namin. After an hour, asa Bacolod na kami! Paglapag ng plane, tinawagan agad ni Mi yung mga naiwan sa Manila. Nakapagpare-book sila pero kinabukasan na sila makakarating.

From the airport, sumakay kami ng taxi para ihatid kami sa Winbelle Pension House. Pinakilala kami ni John sa kapatid niyang hyper na si Jaja at Ann (friend ni Jaja). Malinis yung rooms at maayos ang CR kaya ok naman yung place. Tapos very accomodating pa yung mga staff.

Kumain lang saglit then deretso na kami sa walking city tour sa Silay. Bilang assistant ng punong-abala, sakin binigay yung mapa ng city (galing sa Google maps) na may directions na pupuntahan namin.

Silay Walking City Tour Map

Oh no! Pressure much! Medyo madaming liko kaya hinati namin ni Dha yung pag lead sa group. Maliit lang yung city kaya keribells lakarin. Sobrang daming ancestral houses na uber ganda. Sabi ni Mi may options sa net na magrent ng van para sa tour. Pero dahil cheapetiks kami at mahilig kami maglakad, walking tour ang drama namin.

RCBC Building
Ann, Jaja, Honeylette

At dahil ako ang navigator, naligaw kami. Parang magic, narating namin ang Balay Negrense ng hindi namin namamalayan. Ang dapat naming pupuntahan ay ang Hofilena Ancestral House. Haha. In my defense, wala kasing pangalan yung mga street kaya hindi ko alam kung tama yung pinupuntahan ko. XD

Balay Negrense

May entrance na P50 per head. Pasok kami para mag-pictorial. Sayang dahil walang tour guide. Maganda yung bahay pero may creepy factor yung mga damit at sapatos na nakadisplay.

Paano tayo napadpad dito? Paano tayo makakarating sa Hofilena?

Habang nagiikot yung mga kasama namin, fini-figure out namin ni Mi ang mga pangyayari at kung anong next game plan namin. Yung round table na yun?  Isa lang naman shang Family Circle! Astig much!

Sino ba ang nagpauso ng Family Tree? Dapat ganito: Family Circle!

Si Ann may natagpuan na bagong friend na lumabas sa picture nung kinuhanan nya yung isa sa mga damit na nakadisplay. Nagulat na lang kami ng biglang nagtiliian yung mga kasama namin habang kami ay nageenjoy sa souvenir shop.

Ganda noh? 75k lang naman… Murang-mura.

My favorite… kung mayaman lang ako binili ko na ito. haha.

Pagdating nila Ann, pinakita agad nila ang new found friend niya tapos lumabas na kami para magpapicture uli bago kami gumorah sa next destination namin na iniisip ko pa din kung pano ko pupuntahan. >__<

Sa wakas, natagpuan din namin ang Hofilena Ancestral House. By appointment ang punta dito, pero dahil busy mashado si Mi, hindi sha nakatawag. Pagdating namin, bukas ang gate so deretso kami sa loob na parang amin lang yung bahay. May entrance uli na P50 per head. After namin magbayad, pinakilala na samin si Mr. Ramon Hofilena, ang may ari ng napakagandang bahay na kakarating lang galing sa farm nila, bilang tour guide namin sa mga oras na iyon.

Fail kami kasi hindi kami makasagot sa kahit anong tanong nya. Haha. Super astig yung loob ng bahay nya. Naiiyak ako sa ganda. Walang spoiler para pagnagtour din kayo sa bahay nya hindi din kayo makakasagot sa kahit anong tanong nya. Bwahahaha. Astig yung mga collection ng paintings at kung anu-anong anek anek galing sa iba’t ibang bansa. May kwento ang bawat painting at lahat ng bagay na makikita mo. Wish ko lang pwede ko i-record lahat ng sinasabi nya pati na din ang mga nararamdaman kong pagkamangha sa lahat ng sinasabi ni Sir Mon.

Hulaan nyo kung ano yung asa loob ng box na nakuha ni Sir Mon sa Japan. Hindi yan earings…

May demo at brief history pa kami tungkol sa printmaking. Sayang kasi hapon na kami nakarating kaya binawasan ni Sir Mon yung mga kwento niya. Ang normal tour daw sa bahay nya ay inaabot ng half day, pero sa kulang kulang 2hours namin kasama si Sir Mon, sobrang dami kong natutunan. Wish ko lang matuloy ang arts and culture tour niya this December kasi gusto ko pumunta. Sobrang amazing.

Kung makakapunta kayo dito sa bahay ni Sir Mon, may dalawng paintings kayo na makikita na may nakadikit na post-it. Ipatanggal nyo yung post-it sa dalawang paintings. Nashock na kami mashado dun sa isang painting kaya hindi na namin napatanggal yung isa pa. Haha.

Nafeel ko din na natuwa samin si Sir Mon mashado kasi attentive listeners daw kami. Ni-invite pa nya kami to stay overnight (tempting! ang dami pang ikkwento nun sigurado!). Haha.

Pagkatapos ng tour, nagrecommend pa si Sir Mon ng mga masarap kainan at bilhan ng pasalubong sa Silay (Mi taking down notes). Bago kami humayo, shempre hindi kami papayag ng wala kaming picture kasama si Sir Mon. Grabe, sulit na sulit ang pagbisita namin sa Hofilena Ancestral House dahil sa mga natutunan namin. Stay healthy and see you on December, Sir Mon! ^__^

Jaja, John, Honeylette, Sir Mon, Ann, Rio, Mi, Gel, Dha

Hmm… kung hindi kami naligaw hindi namin aabutan si Sir Mon at hindi din kami makakapasok ng Balay Negrense. May magandang dahilan ang pagkaligaw namin. Wahahaha! Oo, pinagtatanggol ko uli ang sarili ko. 😛

Nagiba kami ng daan pauwi kasi iniwasan namin yung haunted house na sinasabi ni Sir Mon, at hinanap namin ang Cafe 1925 dahil highly recommended niya ito. Paglabas namin ng bahay, hinabol pa kami ng isang kasama ni Sir Mon para sabihin na may parada ngayon. Swerte talaga! Naabutan pa namin yung parada. Nice!

Konting lakad lang, nakita na namin ang Cafe 1925 located at the back of Bank of PI (BPI) near El Ideal. While waiting for our food, nagrevise kami ng itinerary bukas para mapuntahan ang Church of Cartwheels na nabanggit din ni Sir Mon.

Maliit lang yung place pero maganda yung ambiance at cozy. Malaki yung serving nila at nakakalula yung mash potato nila. Parang wala ng bukas kung makapag scoop ng mash potato. XD Busog much! Ang pinakamahalaga, sulit ang 190 pesos mo! Good for two na ang isang order. Ayos db?

Pork Sirloin and mash potato with salad

For dessert, pinuntahan namin ang El Ideal para tikman ang Guapple Pie na pinagmamalaki din ni Sir Mon ngunit 830 PM na kami natapos magdinner at sarado na ang El Ideal. Naghahanap kami ng sign kung anong oras sila open ngunit wala kaming makita. 😦

Naglakad kami pabalik ng Winbelle para magpahinga. Ang call time namin kinabukasan ay 7AM. May van na susundo samin para ihatid kami sa Carbin Reef.

Winbelle Pension House in Silay City

2nd Flr, WH Arcade
Rizal Street, Silay City
Negros Occidental
Philippines 6116
+63 (34) 495-5898

Café 1925
14 J. Ledesma St., Silay City, Negros Occidental
Telephone number: (034) 714-7414
Store Hours: Monday to Saturday, 9am-10pm / Sunday 9am-8:30pm

Habang sumisikat si Haring Araw…

August 12, 2012

Matagal nang plano ng Ever Lasting Friends (ELF) na mag swimming sa Club Manila East para sa birthday celebration ni Lori. Dahil may mga nagbackout, ako ang naging kapalit.

Sabay kami ni Zaicy nagpunta sa meeting place: Mcdo Taytay.

Zaicy: Nakita ako ni papa na nagpprint ng voucher. Sabi nya “Magsswimming ka nanaman!

Rio: Gagalit?

Zaicy: Pero ung sinabi ko na kasama kita, wala nang nasabi.

Wahahaha. Meh ganun? Natawa naman ako. Nawala agad ang violent reactions pagkasabi sa pangalan ko?

Fast forward. After 10hours, dumating din ang mga inaantay namin sa Mcdo. Yung iba susunod na lang daw. Sumakay kami ng mga shuttle sa may Mcdo papuntang CME.

Excited ang birthday girl kasi first time sa CME.  Wala mashadong tao kaya wala kaming kaagaw sa mga pool. Wohoo!

Nang makumpleto kami, nagbreakfast na yung mga hindi pa kumakain. Dahil off peak, tanging Chowking lang at Shakey’s ang bukas na kainan. Nang matapos kumain, deretso kami para mag-kayak. Nung una, hindi namin bet ni Jo mag-kayak. Baka hindi kami makaandar. Bwahahaha. Sakto naman may dalawang kayak na walang gumagamit kaya nitry na din namin.

In fairness of all things fair, may narating naman kami sa pag-kayak. Fail nga lang yung plano namin ni Zaicy at Lori habulin si Jo. Nagbanggaan yung kayak namin ni Zaicy kaya si Lori lang ang nakahabol kay Jo. Tsktsktsk… XD

Nagsawa na ang  cute na cute na si Sophie at mainit na mashado kaya tumigil na kami para magswimming. Nagkataong may surfing lessons sa nagiisang wave pool (sarado yung isang pool na mas malaki yung waves pati yung cliff diving area nila. Sad). Nagtatakbo sila Sophie at Athena sa wave pool, saktong sakto sa mga nagaaral mag surf. Sinita kami ng surf instructor na si Paolo Soler dahil baka matamaan ng mga ligaw na surfboard sila Sophie at Athena. Kaya lumipat kami sa kabilang side ng pool na walang nagssurf.

Mayabang kami dahil pinagtatawanan namin yung mga nagssurf. Akala mo nakatayo ako nung nagattempt ako magsurfing. Yung isang bata, idol ako. tinutuhod yung surfboard kaya wala din shang nararating. Ngayon alam ko na kung anong itsura ko habang nagsusurf. Fail. Hahaha.

Winner yung mga kasabay naming mga koreana sa wave pool.

Si atey na naka-stripes parang lost lang. Hahaha. Bawal siguro sila mangitim kasi lahat sila naka jacket talaga sa wave pool. Yung iba nga may bonggang bonggang visor pa. XD Sabi nga ni Zaicy after ng swimming kukunin lang nila yung shoulder bag nila tapos dederetso na ng mall. Wahahaha.

At dahil kasama sa voucher namin ang zipline, gorah kami.

 

Kaso nung nakita ko yung aakyatin namin, plus butas yung hagdan, hindi kinaya ng powers ko at bumaba ako. Binigay ko na lang sa kanila yung free zipline ko. Hahaha.

Back to the batcave wave pool ang drama namin nila Lori, Arnix, Sophie at Athena para antayin matapos yung mga magzi-zipline.

Me, Athena, Jo, Lori, Sophie

Pagkatapos nila Jo, change shift, si Zaicy, Jo at Rowie naman ang mga kasama ko magbantay sa mga chikiting habang nagzi-zipline sila Lori at Arnix kasabay ang mga asawa nila. Habang kami patuloy sa pictorial. XD

Pero ang higlight ay nung nawiwi na ang prinsesang si Sophie. Ang problema nakainom ng tubig si Lori kaya umuubo lang sha at hindi tumatayo para dahilin sa CR ang anak na naiihi. Ang solusyon?

Sophie: Wiwi ako…

Sophie: Ayaw mo tumayo? Eto sayo! *toink*

Lunurin ang nanay! Wahahaha. Kasi naman, naiihi na yung anak inuuna pa ang sarili. ayan tuloy! XD

Mamayang konti, naubos na din ang energy ng mga bata ang nagyaya na umuwi. Pagkatapos ng banlawan portion ng mga bata, eto na si Sleeping Beauty Athena.

Ako, si Zaicy at Jo, lipat swimming pool. Ayaw nila magslide kaya swimming lessons part 2 na lang ni Jo. Ang galing ni Zaicy kasi nakakalangoy sha ng hindi lumulubog ang ulo. Nitry din namin ni Jo pero nahirapan kami.

Zaicy: Motivation lang yan. Bawal mabasa ang buhok, bawal mabasa ang buhok, bawal mabasa ang buhok. Parang bawal lang malunod yan. Kulang kayo sa motivation.

Wahaha. Ganun talaga ang motivation… Bawal mabasa ang buhok = Bawal malunod. XD
At proud din ako kasi malayo-layo na din ang nararating ni Jo sa paglangoy. Nagumpisa kami sa 5inches lang at pagkatapos breathing lessons, nakakaabot na sha ng lagpas 2feet. Magaling! Practice na lang ang kulang, pwede na! ^__^

At dahil advance birthday celebration namin ito para kay Lori, dinner/inuman after swimming sa El Pedro’s Grill.

Nagenjoy ako sa pizza at budbud nila. Nagapagcharge na si Athena at Sophie at patuloy ang kulitan ng dalawa. Pagkatapos ng dalawang bote ng Tanduay Ice, lasing na si Jo. At masakit na din ang ulo ko dahil sa environmental factors. Chos! Ang kulit nulit ni Jo nung may tama na. In denial pa na may tama na sha. Buti na lang hinatid sha ni Rowie hanggang bahay kahit na ayaw nya.

Kinabahan pa nga ako kasi akala ko may tama na din si Zaicy. Hindi ko alam kung pano ko iuuwi ang taong kasing laki ni Zaicy, to think na pangalan ko ang nakataya sa mga magulang nya. Wahaha. Buti na lang hindi naman pala lasing si Zaicy at nakauwi kami ng matiwasay. Hahaha.

 

*Belated Happy Birthday Lori!

Book collection

Nakakaloka. Kakaayos ko lang ng bookshelf ko nung weekend ngayon inakyat ko nanaman sila just in case… Sunod sunod kasi ang bagyo.

Ang tagal ko na hindi bumibili ng libro kasi hindi na sila kasya sa bookshelf ko. Kaya nagulat ako nung weekend dahil nung naglinis ako, biglang nagkaroon ng space para sa bagong books. Yey! Yun nga lang may isang book ako na nawawala. T__T One for the money, asan ka?

Sa ngayon, ito ang itsura ng bookshelf ko:

Top shelf

Siguro hindi dapat bookshelf ang itawag ko dito kasi puno din sha ng anek anek. Pero majority naman ng nakalagay ay libro kaya bookshelf pa din ang tawag ko. hahaha. Mga maliliit na stuff toys, pictures, figurines at kung ano ano pa sa top shelf.

Second shelf

Eto. Ayan. Puro mas madami na ang libro kesa sa anek anek. Extra plastic cover, at yung maliit na tao na lang na nakatayo ang buhok at Petroleum Jelly na lang yung naligaw. Hahaha. Booksale ang peg ng second shelf para lang magkasya sila, yung tipong hindi mo na makikita yung mga libro sa likod. Kaya ang ginawa ko, yung mga favorite ko yung nilagay ko sa unahan. Si Jenny Crusie at Janet Evanovich. Para madali kunin pag gusto ko magre-read ng mga favorite ko.

Bottom shelf

Yung mga books na andito yung mga hindi ko mashado feel, mga bigay lang sakin na hindi ko natatandaan kung nabasa ko na or hindi, at yung series na pinagsisihan kong binili ko. Dito din nakalagay ang mga DVD at kung ano pang anek anek na bihira kong gamitin. Yung Tarot deck ko lang yung nasa ibabaw para madali pa din kuhanin.

Sa ngayon, dahil kinakabahan ako sa walang humpay na pagbuhos ng ulan, na-evacuate ko na ung mga nakalagay sa second at bottom shelf… Lahat sila nakatambak sa kwarto ng kapatid ko. Wahahaha.

At dahil sa usapang libro, naalala ko tuloy yung isa sa mga notepad posts ko:

10-26-10

When things go wrong, some people shop, some people eat, some people read. We all have our own ways of coping up with not-so-good things that come our way. During those times, usually, I eat or stay up and do a marathon or bake – which gives another excuse to eat. But once in a while, I clean up my stuff. At least once a year I clean my bookshelf which holds more than just books. It has pictures and little stuff toys in it and DVDs as well.

And I did just that this weekend and it took me less time than usual. Wiped the dust bunnies off. Rearranged my books to free up some space. Arranging them in a way that would make it easier for me to understand and look for stuff. Placing the books I am not very fond of at the bottom shelf, tucked behind my DVDs. Suddenly, it occurred to me that it was as if I was trying to hide those books.

I hoped that it was that easy to put your life back in order. Clearing up your memories, rearranging them to make way for new ones that will come. Pushing the not so good ones in the darkest corner of your heart trying to forget them. But those books I try my hardest to hide, I couldn’t bring myself to throw them away. No matter how much I dislike them, they still occupy some space in my shelf. Wouldn’t it be easier to throw them away and free up more space? Well, easier said than done. Especially when it comes to the matters of the heart.

I always put off cleaning the lower shelf. it was like a reminder of the books I didn’t want to remember I have. A few of those books I bought on my own, but majority were given to me. looking at those books, I couldn’t even remember what they were about, and I have no intention reading them again.

Mortal Instruments Book Five: City of Lost Souls

I finally finished reading the 5th book of the series. I have done a short review of the previous books here.

As you may already know, I am not a huge fan of the main couple of the series. I like Jace, I mean, who wouldn’t? It’s just… Clary. I have nothing against her but I think she is forgettable. Not someone you’d love or hate. While reading the parts when it was about her and Jace, It gets a little plain for me. I would stop and forget about her the minute I put my phone down (reading ebooks on my phone).

This book made it a bit hard to read. I literally needed to stop for a few minutes and compose myself (and not cry) before continuing to read. Good ting I read the last part of the book at home because I couldn’t help but cry at the break up of my favorite couple. Yes, I did cry reading a book before but this one is different. I didn’t cry as hard, but I felt the pain. It was the kind of pain wherein you understand the reasons behind the actions. I was whispering “Please… come back… change your mind… Don’t do this to him and yourself.” over and over again even though I know chances of that happening was slim (at least on this part of the story). My tears were not because of pity or frustration, but just pain.

The end was another cliff hanger but I wasn’t able to completely get over the break up that I wasn’t as excited to read the next book as I was during the last part of City of Fallen Angels.

Clare, you have more  than a year to fix this break up. If there was any love in this series it was because of this couple. I’m hoping begging you to make them get over this and get back together. There were moments when you made me go “Oh no, you didn’t!” or “That was just a cruel joke. ” But this break up hurts so bad. I seriously could not image any continuation of this series without them. Please, not them… Do anything you like and I promise not to complain. Just not this. Not them. Please. Please… PLEASE… *sniff sniff*