Bakery Fair 2013

DSC_0264

Bilang mga ambisyosang mga ‘baker’ daw, pumunta kami ni Rhoda sa World Trade Center. Nagregister kami tapos pumasok na kami para mapanood si Ms. Penk Ching gumawa ng cake decors gamit ang gum paste. Ang galing. Grabe ang attention nya sa details.

exhibit

May display din sila ng cakes at breads. Ang gaganda nung mga cake, tipong hindi mo makakain kasi manghihinayang ka masira. Haha.

Discounted ang mga gamit pang bake at binalak namin bumili ng silicon pan, rolling pin at whisk dahil ang mura. Sayang nga lang kasi every two years lang daw ang bakery fair. Gusto ko ng silicon pan na butterfly!

Hindi lang mga mata namin ang busog kung hindi pati ang aming mga tummy naging super happy din. Ang daming free taste na mga tinapay, na heaven para sa mahilig sa tinapay na gaya namin. May time pa na hindi na kami makakuha ng free taste kasi dalawang kamay namin may hawak ng pagkain at inumin. XD

Natutunan ko na kung pano gumagawa ng uber sarap na coffee bun sa isang demo! Ang iisipin ko na lang kung san maghahanap ng biscuit flour. Hmm…

Konting ikot pa para sa paghahanap ng matcha powder at Bensdorp. Success kami parehas sa paghahanap. Sa wakas, makakagawa na ako ng green tea muffin, green tea mochi cupcakes at madami pa. Si Rhoda naman makakagawa na ng chocolate cake. Yey!!!

Hindi gaya ng Travel Expo, mabilisang ikot lang ang ginawa namin sa Bakery Fair kasi may lakad pa ako after. Mas bet ko ang bakery fair kesa sa Goldilocks Cake Expo na pinuntahan namin last year. 🙂 Aabangan ang next Bakery Fair after two years!

Advertisements

4 Comments (+add yours?)

  1. dee
    Feb 28, 2013 @ 01:45:05

    may matcha powder and bensdorp chocolate sa All About Baking sa may Welcome Rotonda. may branch din ata sila sa Cubao. Di mo kailangan magantay ng 2years to stock up. Haha 🙂

    Reply

    • rioriorio
      Feb 28, 2013 @ 10:56:48

      ang tagal ko na naghahanap ng matcha powder! yung bensdorp, meron sa mega at sa may taft. may butterfly silicon pan din sa All About Baking? ^__^

      kelan na tayo magbabake sa inyo ng macarons?

      Reply

  2. rhoda
    Mar 01, 2013 @ 01:14:06

    oo nga yung baking session isched na yan. hehe.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: