Bacolod – Chapel of Cartwheels, Carbin Reef & The Ruins (Day2)

Pagkagising, kinatok na namin yung mga kasama namin. Mayamaya konti dumating na yung second batch (kasama na yung mga naiwan ng plane) para magcheck-in. Habang nagaantay sa mga nagaayos pa ng sarili, lumabas kami ni Dha at Gel para maghanap ng mabibilhan ng breakfast ngunit maaga pa at sarado pa ang mga kainan. Bumili muna kami ng napay (hindi ko napansin yung pangalan nung bakery ^__^? churi), baon namin papuntang Carbin Reef sa Sagay.

Pagbalik namin, dumating na din yung van namin. Nakilala namin si Uncle Sam, ang driver namin papuntang Sagay City. Dahil recommended ni Sir Mon, nakiusap kami kay Uncle Sam para idaan kami sa Chapel of Cartwheels sa Manapla dahil on the way naman ito.

Chapel of Cartwheels

“The Crucifix” of the Chapel of Cartwheels

Pagkatapos ng pictorial, dinaan kami ni Uncle Sam sa bilihan ng masarap na puto sa Manapla. Available in plain and cheese flavor. Ang ine-expect ko yung plain nilagyan lang ng cheese sa ibabaw ngunit hindi. Hahaha. Kulay yellow (duh!) yung cheese flavor na puto, mas bet ko yung plain (himala!) pero masrap parehas.

Mahaba haba ang biyahe papuntang Carbin Reef pero nabawasan ang estimated travel time namin dahil kay Uncle Sam.

Inihatid kami ni Uncle Sam sa Museo Sang Bata Sa Negros, isang interactive children’s museum, pagbaba namin tinawagan ni Mi yung contact nya na maghahatid samin sa Carbin Reef kasi by schedule and punta dun.

Museo Sang Bata Sa Negros

Antay ng konti at dumating na din yung contact namin, at pinasakay na kami sa bangka papuntang Carbin Reef. Bago kami umalis, may nag-brief samin ng house rules. Protected area ang Carbin Reef at bawal maguwi ng kahit ano at lahat ng basura namin dadalhin namin. The  usual stuff. More or less 30 mins ang biyahe. Super excited ako kasi first time ko sa isang sand bar! Woot woot! Ayan na! Natatanaw na namin ang Carbin Reef. Ang ganda!!!!

Carbin Reef! Wow!

Sand Bar! Weeee~

Ayun ang tent namin (rented for P300 for single, P500 naman kung double). Lagayan lang naman ng gamit kaya ok na kami sa single. Hehe.

Nilagay lang namin yung gamit namin sa tent tapos nagpictorial na. Ang linaw ng tubig, may maliliit na isda na sa may shore. ^__^
Snorkeling na! Time to gear up! (P300 per pair, includes gear and guide)

Fins!!!! Ang hirap maglakad ng may fins ah…

Life vest? Check! Goggles? Check! Fins? Check! Pagdating sa snorkeling spot, binaba nila koya yung hagdan(?) deretso sa tubig!!! Dahan dahan kaming naglakad (sabi ni kuya dapat daw patalikod yung lakad pag may fins pero matigas ulo namin at hindi kami nakinig. Haha.)

Ang linaw ng tubig… akala mo mababaw pa pero uber lalim na pala. At ang daming giant clams! Wala nga lang akong nakitang masahdong madaming isda, pero nagenjoy pa din ako.

Nang mapagod kami sa pags-snorkeling, sumampa na lang kami dun sa pang balance ng bangka katig kasi wala na kaming energy umakyat ng bangka. Hahaha. Akala ko hindi ako makakaakyat dahil wala talagang lakas ang arms ko. Hahaha! Ang sarap pala dun maupo. ^__^

Pagbalik sa sand bar, kinain namin yung mga baon naming puto at tinapay at deretso tambay/pictorial.

Sand dollar!

Tanghali na at gutom na kaming lahat. Ang laman lang ng mga tiyan namin ay tinapay at puto. Haha. Bumalik na kami sa Sagay, nagbanlaw sa Museo Sang Bata Sa Negros tapos naghanap na kami ng makakainan.

Glenda’s for lunch

Then pictorial ng saglit sa Legendary Siete sa Sagay City tour bago bumalik ng Winbelle.

Rio, Ann, Rhoda, Heidi, Jaja, Gel and Honeylette

Jeric

Pagbalik sa Winbelle, nagpahinga at natulog ang mga dapat matulog habang nagliwaliw kami ni Dha at Gel at nagpictorial sa Church.

San Diego Pro Cathedra

Loob ng church… So colorful!

Hindi ako nakapasok sa loob ng church kasi wala ako sa wisho… Nahihilo ako at medyo nasusuka. Buntis? Haha.

Pagbalik sa Winbelle, nagpaturo kami sa receptionist kung pano pumunta ng Ruins. Sakay lang daw kami ng bus papuntang Bacolod City then baba sa Talisay. Tapos trike na lang papunta sa Ruins. Ang problema, hindi mashadong alam ng mga tao ang Ruins (weird…) Ibinaba kami ni koya sa Talisay pero malayo pa pala sa sakayan ng trike.

Pagdating namin sa pila ng trike, parang hindi pa sigurado sila koya kung san yung Ruins… Pagkatapos mag-brainstorming nila manong trike driver, gorah na kami sa The Ruins. Grabe yung daan papunta sa Ruins, parang ruined na. Haha. At grabe ang layo! Inabot ng P200 yung trike namin (more or less P30 per head, six kami per trike).

The Taj Mahal of Negros Occidental

Entrance fee is P60 per head. Pag dating namin, namangha na kami sa ganda ng lugar. May lumapit samin at tinanong kami kung gusto namin sumama sa tour. Gorah! Tour!

Meet Kuya Roger!

Hyper si Kuya Roger at super funny. Sumasakit ang ulo ko sa mga jokes niya. Laugh trip talaga. May natutunan pa kami. Yung finishing ng Ruins gawa sa cement at egg whites. EGG WHITES!!! Napakatibay ng binder ng egg whites kahit na sinunog na yung Ruins ng three days, eto, nakatayo pa din.

After ng tour, pictorial uli shempre. Nagulat na lang kami lumapit si Kuya Roger samin at kinuha yung camera ni Ann sabay turo kung saan kami tatayo at magpopose…

Eto, walang special effects. Ipinatong lang ni Kuya Roger yung camera sa ibabaw ng salamin na table sa gitna ng garden… Astig!

Kuya Roger: Isa pa..

Kuya Roger: Dito po tayo…

Kuya Roger: Compress po tayo…

Lahat yan si Kuya Roger ang kumuha. Hahaha. Nakakastress pala maging mowdel. Lalo na kung kasing demanding ni Kuya Roger ang photographer mo. Buong time ng pictorial namin tawa kami ng tawa. Tip: ang pinakamagandang oras na pumunta dito ay mga 530PM. Ang ganda ng lugar during the sunset.

Takipsilim sa Ruins

The Ruins at night… BEAUTIFUL!

At dahil ayaw na namin sumabak sa daan pauwi sakay ng trike, nagpasundo kami kay Uncle Sam pabalik ng Winbelle. Habang nagaantay, bumili kami ng souvenir at tumabay uli kasama si Kuya Roger. Grabe. Hindi sha nauubusan ng kwento at jokes.

Continuation ng laugh trip with Kuya Roger

Kuya Roger: Pag sinabi mong Negros Occidental, ang unang naiisip ng mga tao ay The Ruins. Pag sinabi mong The Ruins, ang unang papasok sa isip ng mga tao ay si Roger.
Hmm… Hindi malayong mangyari yun, Hehe. Thanks so much sa pagtour at pagtambay kasama samin habang inaantay ang sundo namin, Kuya Roger! The best ka! \m/

Dumating na si Uncle Sam at nagulat kami kasi iba ang dinaanan namin pabalik. Maayos yung daan at saglit lang andun na kami sa Silay City proper. Hindi kasi alam nila manong trike driver yung short cut, kaya katakot takot yung daan na tinahak namin papunta ng Ruins kahit na may mabilis palang daan.

Nagpababa kami sa El Ideal kaso, sarado. Bigo pa din. Naghanap kami ng makakainan kaso sarado na ang karamihan ng kainan. 730PM palang… Naglakad lakad na lang kami at nakita namin ang Andie’s. Buti na lang may bukas pa…

Wala nang picture picture ng mga pagkain. Gutom na kaming lahat kaya deretso kain na pagdating ng mga order namin.

Naglakad uli kami pabalik ng Winbelle. Conversation with Mi (my trainer):

Mi: Kabisado ko na ang Silay. After one day, hindi na ako maliligaw.

Rio: … Wala… 😦

Mi: Maghanap ka ng traveling partner mo na may sense of direction para may navigator ka.

Rio: Hindi pwedeng ikaw?

Mi: May traveling partner na ako eh…

So… auditions para maging navigator ko is now open. Requirements: Bonggels na sense of direction (kaya magbasa ng maps) at kaladkarin. Hahaha.

Anyway, pagbalik sa Winbelle, ligo, ayusin ang day bag for tomorrow’s agenda, then tulog. Maaga ang call time namin kinabukasan. 500AM susunduin kami ni Uncle Sam.

Uncle Sam – 09193036501

Carbin Reef – Contact Tourism Office for reservations