Level up Hamberdi

October na kaya ang unang agenda namin ay i-celebrate ang birthdays namin ni Rowie (Oct1) at Zaicy (Oct30) Planning stage: Tagaytay and dampa. Kaso nagkaissue sa sasakyan. Mahal magrent at ubos na ang yaman ng mga tao kaya pinagpiliian na lang namin ang ice skating or bowling tapos dampa after. Kelangan talaga mag-dampa kami. Ayon sa botohan, bowling at dampa ang nanalo.
Pero walang bearing ang results ng botohan namin kasi wala palang nagconfirm. Haha.

At dahil birthday ko, naginarte ako at nagpauso ako na dapat lahat ng girls may color ang hair. Eto kasi ang look na gusto ko ma-achieve.

Pretty noh? Kaso nabigo ako sa peg kong purple and green hair.

Dahil may kulayan pa ng buhok, maaga akong nagpunta kila Jo. Kahit hindi sha marunong magplantsa, nitry nya plantsahin ang buhok ko. Ang galing nga eh. Napaunat nya ang buhok ko. Kaso nung maglalagay na kami ng kulay, nabasa ang buhok ko sa spray kaya ayun. Kumulot uli. Fail!

Ang ending, nagipit na lang ako. Maya-maya konti, nagdatingnan na yung iba. At sa kwarto ni Jo ang deretso. Grabe. Muntik na gumuho ang bahay nila, Bawal huminga. Hahaha.

Kay Lori lang kita na may slight na kulay yung hair nya sa pic. Purple! Inggit much!

Nung kumpleto na kami, go na kami sa sasakyan nila Mic para makarating sa Dampa sa Libis.

Sagot na ni Zaicy ang cake kaya kami ni Rowie sa Dampa. Kami daw ang pumili ng kakainin. Tinulungan kami ni Joel at Mic sa pagpalengke. After nun pinaluto na namin. Nagorder din si Lori ng 18 na extra rice. Ansabe? 12 lang kami tapos 18 na extra rice? Patayan ba ito? XD

Habang nagaantay sa pagkain, may lumapit samin na taga-dampa, at may tinanong samin. Walang sumagot samin kaya nag-English na si koya. Saka lang kami sumagot. Napagkamalan pa tuloy kaming hindi marunong magtagalog. Hahaha.

Sa wakas, dumating din ang mga pagkain namin.

Scallops with broccoli

Masarap yung broccoli pero medyo makunat yung scallops pero keri naman.

Crab with gata

Hindi ako mashadong kumakain ng crab unless may maghihimay para sakin kasi hindi ako marunong. Hahaha. kaya pinaghimay ako ng best friend kong kitang kita ang paghihirap para makakain ako ng crab.

Crab vs Jo
Winner by unanimous decision… Jo!

Mas masarap yung crab dahil pinaghimay ako. Char! Pero masarap nga yung crab. Kung marunong lang ako maghimay, mas madami akong nakain. Hahaha.

Buttered shrimps ❤
Sinigang na hipon

Ay eto… winner. Pwede daw magparefill ng sabaw. Laking gulat lang namin ng hiningi na namin ang bill at may isang item na nawindang kaming lahat…

Soap? Kaya pala sumakit ang tiyan naming lahat…
Hindi lang dahil sa kabusugan… XD
Sweet and sour lapu-lapu
Baked scallops! da best!

Dahil may allergic sa sea foods, nagpaluto kami ng Liempo.

Liempo
Inihaw na pusit

Eto. Dito kami sumuko. Walang nakaubos ng pusit kasi sobrang kunat na tipong aabutin ng isang buwan sa tiyan mo at hindi pa din sha natutunaw. Hahaha.

Kahit na busog na kaming lahat hindi pwedeng walang dessert.

Shempre may part 2 ang dinner. Busog ba kamo? Walang busog busog samin. Deretso kami ng Tiendesitas para magpababa ng kinain.

Bottles at sangkatutak na pulutan. Saming girls Tanduay Ice na red at white. 2 bottles each (1 red & 1 white) pero dahil masakit pa ang tiyan ko sa soap, naka isa lang ako. At binigay ko kay Jo yung isa para maging masaya uli kaming lahat. Hahaha.

Hindi lasing yang si Jo. After kunan ng picture, sinilip nya sa camera ni Zai at muntik nang malaglag. Pramis. Hindi yan lasing. Wala lang sense of balance yang best friend ko. Hahaha.

At nung natunaw na yung yelo sa pinaghalong red and white Tanduay Ice nya, ayaw niya maniwala na inumin nya yung binalik sa kanya kasi pink na yung iniinum nya. So nung malingat, nilagyan namin ni Lori ng red yung iniinom nya para maging pink. Hahaha. Para lang matahimik na sha.

Pagkatapos ng sangkatutak  na picture at tawa, naubos din ang ininom at pulutan.

THE END.

 

 

 

 

CHOS!

Part 3 sa home sweet home ni Lori at Joel para manood ng ‘horror movies’. At dahil may natira pa sa budget namin, ibibili na lang daw ng hard na naging ice cream ang bagsak.

Ang unang pinanood namin ay The Orphan.

Napagod kaming lahat kay Ester. Ang creepy nya. Sa may dulong part, sabay sabay kaming nagtilian. Madaling araw, nagtitilian. Nice noh? Halos 3AM na at sobrang antok na ako. Pangtanggal daw ng pagod namin, isa pang movie. Insidous naaman.

Pero hindi na talaga kaya ng powers ko kaya pumwesto na ako sa pagtulog. Pinakitaan ko sila ng talent. Matulog habang nagsisigawan ng bonggels ang mga katabi mo. Wapakels. Bagsak kung bagsak. Nagising na lang ako nung tumigil na ang mga sigaw nila. 430AM.

Hinatid kami ni Mic sa bahay, kaso gutom na uli kami kaya nagbreakfast muna kami sa Mcdo na malapit sa bahay namin.

Nakauwi ako 530AM. Wow. Puyat much, pero uber saya. Thanks ELF! Love you guys! Mwwwwwwwaah!

 

Habang sumisikat si Haring Araw…

August 12, 2012

Matagal nang plano ng Ever Lasting Friends (ELF) na mag swimming sa Club Manila East para sa birthday celebration ni Lori. Dahil may mga nagbackout, ako ang naging kapalit.

Sabay kami ni Zaicy nagpunta sa meeting place: Mcdo Taytay.

Zaicy: Nakita ako ni papa na nagpprint ng voucher. Sabi nya “Magsswimming ka nanaman!

Rio: Gagalit?

Zaicy: Pero ung sinabi ko na kasama kita, wala nang nasabi.

Wahahaha. Meh ganun? Natawa naman ako. Nawala agad ang violent reactions pagkasabi sa pangalan ko?

Fast forward. After 10hours, dumating din ang mga inaantay namin sa Mcdo. Yung iba susunod na lang daw. Sumakay kami ng mga shuttle sa may Mcdo papuntang CME.

Excited ang birthday girl kasi first time sa CME.  Wala mashadong tao kaya wala kaming kaagaw sa mga pool. Wohoo!

Nang makumpleto kami, nagbreakfast na yung mga hindi pa kumakain. Dahil off peak, tanging Chowking lang at Shakey’s ang bukas na kainan. Nang matapos kumain, deretso kami para mag-kayak. Nung una, hindi namin bet ni Jo mag-kayak. Baka hindi kami makaandar. Bwahahaha. Sakto naman may dalawang kayak na walang gumagamit kaya nitry na din namin.

In fairness of all things fair, may narating naman kami sa pag-kayak. Fail nga lang yung plano namin ni Zaicy at Lori habulin si Jo. Nagbanggaan yung kayak namin ni Zaicy kaya si Lori lang ang nakahabol kay Jo. Tsktsktsk… XD

Nagsawa na ang  cute na cute na si Sophie at mainit na mashado kaya tumigil na kami para magswimming. Nagkataong may surfing lessons sa nagiisang wave pool (sarado yung isang pool na mas malaki yung waves pati yung cliff diving area nila. Sad). Nagtatakbo sila Sophie at Athena sa wave pool, saktong sakto sa mga nagaaral mag surf. Sinita kami ng surf instructor na si Paolo Soler dahil baka matamaan ng mga ligaw na surfboard sila Sophie at Athena. Kaya lumipat kami sa kabilang side ng pool na walang nagssurf.

Mayabang kami dahil pinagtatawanan namin yung mga nagssurf. Akala mo nakatayo ako nung nagattempt ako magsurfing. Yung isang bata, idol ako. tinutuhod yung surfboard kaya wala din shang nararating. Ngayon alam ko na kung anong itsura ko habang nagsusurf. Fail. Hahaha.

Winner yung mga kasabay naming mga koreana sa wave pool.

Si atey na naka-stripes parang lost lang. Hahaha. Bawal siguro sila mangitim kasi lahat sila naka jacket talaga sa wave pool. Yung iba nga may bonggang bonggang visor pa. XD Sabi nga ni Zaicy after ng swimming kukunin lang nila yung shoulder bag nila tapos dederetso na ng mall. Wahahaha.

At dahil kasama sa voucher namin ang zipline, gorah kami.

 

Kaso nung nakita ko yung aakyatin namin, plus butas yung hagdan, hindi kinaya ng powers ko at bumaba ako. Binigay ko na lang sa kanila yung free zipline ko. Hahaha.

Back to the batcave wave pool ang drama namin nila Lori, Arnix, Sophie at Athena para antayin matapos yung mga magzi-zipline.

Me, Athena, Jo, Lori, Sophie

Pagkatapos nila Jo, change shift, si Zaicy, Jo at Rowie naman ang mga kasama ko magbantay sa mga chikiting habang nagzi-zipline sila Lori at Arnix kasabay ang mga asawa nila. Habang kami patuloy sa pictorial. XD

Pero ang higlight ay nung nawiwi na ang prinsesang si Sophie. Ang problema nakainom ng tubig si Lori kaya umuubo lang sha at hindi tumatayo para dahilin sa CR ang anak na naiihi. Ang solusyon?

Sophie: Wiwi ako…

Sophie: Ayaw mo tumayo? Eto sayo! *toink*

Lunurin ang nanay! Wahahaha. Kasi naman, naiihi na yung anak inuuna pa ang sarili. ayan tuloy! XD

Mamayang konti, naubos na din ang energy ng mga bata ang nagyaya na umuwi. Pagkatapos ng banlawan portion ng mga bata, eto na si Sleeping Beauty Athena.

Ako, si Zaicy at Jo, lipat swimming pool. Ayaw nila magslide kaya swimming lessons part 2 na lang ni Jo. Ang galing ni Zaicy kasi nakakalangoy sha ng hindi lumulubog ang ulo. Nitry din namin ni Jo pero nahirapan kami.

Zaicy: Motivation lang yan. Bawal mabasa ang buhok, bawal mabasa ang buhok, bawal mabasa ang buhok. Parang bawal lang malunod yan. Kulang kayo sa motivation.

Wahaha. Ganun talaga ang motivation… Bawal mabasa ang buhok = Bawal malunod. XD
At proud din ako kasi malayo-layo na din ang nararating ni Jo sa paglangoy. Nagumpisa kami sa 5inches lang at pagkatapos breathing lessons, nakakaabot na sha ng lagpas 2feet. Magaling! Practice na lang ang kulang, pwede na! ^__^

At dahil advance birthday celebration namin ito para kay Lori, dinner/inuman after swimming sa El Pedro’s Grill.

Nagenjoy ako sa pizza at budbud nila. Nagapagcharge na si Athena at Sophie at patuloy ang kulitan ng dalawa. Pagkatapos ng dalawang bote ng Tanduay Ice, lasing na si Jo. At masakit na din ang ulo ko dahil sa environmental factors. Chos! Ang kulit nulit ni Jo nung may tama na. In denial pa na may tama na sha. Buti na lang hinatid sha ni Rowie hanggang bahay kahit na ayaw nya.

Kinabahan pa nga ako kasi akala ko may tama na din si Zaicy. Hindi ko alam kung pano ko iuuwi ang taong kasing laki ni Zaicy, to think na pangalan ko ang nakataya sa mga magulang nya. Wahaha. Buti na lang hindi naman pala lasing si Zaicy at nakauwi kami ng matiwasay. Hahaha.

 

*Belated Happy Birthday Lori!