All I Want for Christmas!

I love giving gifts to people who are special to me. But I never ask for gifts in return (except if your family. Haha). When if comes to friends, I usually ask for favors instead like baked goodies or exchange of files *wink wink*. More often than not, it requires more of the person’s time and effort rather than money.

But since I was tagged to this list, I decided to play along. It looked fun!

1. Sausage Pillow – don’t ask me why or how it got its name. I just saw it while browsing the net. At dahil inggiterang frog ako, gusto ko din. Ang sarap siguro matulog pag ganyan ang unan mo… Dapat lang noh, kasi Php1300 po ang unan na yan. Kaya hanggang pangarap na lang siguro yan.

2. Jacket with thumbholes – ginawin akong bata kaya hindi ako mabubuhay ng walang kumot AT jacket pag nagbibiyahe. Kaso wala pa akong nakikitang bilihan ng ganitong jacket dito sa Pinas. Meron pang lalaki lang. Kamusta naman yun. Pero yung jacket ng UP Pep Squad ganito. Hindi ko lang alam kung san sila nagpagawa. Malamang may minimum sila sa pagorder bago sila magtahi.

3. Backpack – No particular brand. Basta water resistant, may bag cover, may lagayan ng sapatos at madaming pockets. Yung tipong keri akong buhayin ng 3-5days sa galaan. Hehe.

4. Long Recurve Bow – Kaso ang sabi sakin, kelangan mo muna ng formal lessons bago bumili ng bow. at least Php11,000 lang naman ang complete set ng equipment at Php7,000 ang lessons, so yeah… Mukhang magtatagal itong item na ito wishlist ko ng ilang taon pa. Hahaha.

5. Bookshelf – yung wishlist namin sa office, puro libro ang hiningi ko. Pero ang totoo, wala ng space ang bookshelf ko kaya pakalat-kalat na lang sila sa bahay. Tsktsktsk. Ambisyosa lang yung picture sa baba pero kahit simple bookshelf lang masaya na ako. Para lang hindi kung saan saan napupunta yung mga libro ko. ^__^

(left) closed bookshelf;  (right) opened bookshelf

6. Anything sparkly! And I mean anything. Bag, wallet, top, shoes, mugs, notebook, at kahit ano pang anek anek yan, basta nakintab, masisiyahan na ako. Haha.

I know. Ang hirap ng wishlist ko. Kaya nga hindi ako nagdedemand ng gifts outside of the family eh. Hahaha. Pero madali lang naman maghanap ng sparkly things so yun na ang pinakasafe kung gusto nyo akong regaluhan. Hahaha!

Happy Holidays, guys!