Bacolod – Shopping ng pasalubong (Day4)

Huling araw na namin sa Bacolod kaya ang agenda namin ay bumili ng pasalubong. Maaga ang flight ni Gel kaya maaga din kaming gumising para makabili ng pasalubong. After breakfast, dumeretso na yung mga pupunta pa ng palengke at kaming mga naiwan ay pupunta na lang sa Virgie’s. Dun na lang daw magkikita.

Ang problema lang, hindi alam ng mga locals dun ang Virgie’s kaya naligaw nanaman kami at nagpaikot-ikot sa bayan. Buti na lang nakasalubong namin sila Mi na nauna sa palengke at nakita din namin ang Virgie’s. At pagdating namin, sarado pa. Pinadaan kami sa likod para makapasok at makapamili na. Hongsosyal. Second time na pinagbuksan kami ng saradong tindahan. Panic buying kaming lahat. Haha.

Pagbalik namin ng Saltimboca, dumating na ang sundo namin pabalik ng Silay. Hindi na si Uncle Sam ang driver namin dahil pinagpalit nya kami kay Xian Lim. Tsktsktsk. Hinatid muna namin si Gel sa airport at bumalik kami sa Winbelle. Kumuha kami ng isang room para may lapagan kami ng gamit habang nagiikot sa city sa huling pagkakataon. Yung malaking room ang binigay samin ni ate para magkasya lahat ng gamit namin. Yan ang customer service! ^__^

Naghiwalay ang grupo, yung second group pinuntahan si Sir Mon habang kami ay magiikot nung mga hindi namin napuntahan nung first day.

First stop: Bernardino Jalandoni House Museum. Sa dami ng ancestral houses sa Silay, tatlo lang ang bukas sa public at ito na yung third. Php50 ang entrance fee at may kasama ng tour.

Pagpasok sa museum, medyo may kilabot factor na. Gusto ko na lumabas agad agad. Lalo na nung nakita ko ang kwarto na naglalaman ng doll collection ni Ms. Bella Galang. Oo, takot ako sa mga dolls…

Kating kati na ako umalis ng kwartong yun kaya umakyat na kami at hindi na namin inantay yung guide namin kasi nageentertain pa sha ng ibang guests.

Ang favorite ko ng Jalandoni house ay…

Santol Roots… Seriously…

Hindi na talaga namin tinapos yung tour at binalikan namin yung San Diego Pro Cathedral para dun sa mga hindi pa nakakadaan. Tapos hinanap din namin yung Cinco de Noviembre marker na nabanggit nung guide sa Jalandoni.

Tapos hinanap na namin ang Emma Lacon’s Pastries na across ng BPI na green gate. Bahay lang pala yun at walang kahit anong sign sa labas kaya good luck talaga sa paghahanap. Medyo hindi pa kami sigurado kung tama yung green gate na pinasok namin pero nung paakyat na kami ng stairs, naamoy na namin ang goodies sa loob. Ang bango bango!

Eto na ang Pili Squares… Magsisisi ang bumili ng half neto sa sobrang sarap. Kahit ito lang ang iuwi mong pasalubong, solve na.

Bakit ba half lang ang binili ko. Dapat mga tatlong whole….

Empanada and Panyo-panyo

Masarap din yung empanada. Half cooked pa lang pero pinatulan na namin, pwde naman i-fry or i-bake pagdating sa bahay. Binigyan din naman kami ng instructions kung pano lutuin pagdating namin sa Manila.

Fresh Lumpia

Winner din ang fresh lumpia nila kahit walang sauce. Bumili kami para kainin sa lunch. Dinaanan din namin ang El Ideal (sa wakas!) para matikman ang Guapple Pie. Masarap! To think hindi ako fan ng guava, natuwa ako sa Guapple Pie. Kaso medyo mahirap shang iuwi. Baka warag warag na pagdating mo ng Manila… Unless isang buo ang iuuwi mo…

Nauna na ang dessert bago kami maglunch sa Tama Plaza. Medyo malayo sha dahil sa tabi pala ito ng dagat. Fresh sea food!!! Yummmm!!!

Stuffed squid ❤

Sizzling squid

Mura na masarap pa. Good for two ang isang order. Kahit na nakapag dessert na kami, ang dami pa din naming nakain na squid at shrimp. Busog na busog kaming lahat sa pagkain at sa tawa. Ayus!

Kinontrata na namin yung isang van para daanan kami sa Winbelle ng 2pm para ihatid kami sa airport bago kami bumalik sa Winbelle. Konting kwentuhan kung anong nakita nung second group sa bahay ni Sir Mon.

2pm bumaba na kami para antayin si koya. Nagpapanic na kami kasi 230 na wala pa si koya. Buti na lang dumating sha bago kami maghanap ng ibang masasakyan papuntang airport.

BYE BACOLOD! WILL COME BACK SOON!

 

 

Bacolod – Danjugan, Bacolod City Tour (Day 3)

Sorry uber late na yung post. Busy much sa work eh…

 

Check out sa Winbelle. Sa Bacolod City na ang punta namin sa araw na ito. 5am dumating na si Uncle Sam para dalhin kami sa Danjugan.  Dumaan kami sa drive thru para sa breakfast dahilt mahaba haba ang lalakbayin namin. Ang estimated travel time namin ay apat na oras lang naman. Given na past 5am na kami umalis sa Silay, nakarating kami sa Antol, Bulata nga mga 9am. Naks. Iba talaga ang powers ni Uncle Sam. XD

Boat ride for 30 mins bago marating ang Danjugan Island Marine Reserve and Sanctuaries.

Padating namin sa Danjugan, sinalubong kami ni Kuya Roger at may brief introduction tungkol sa Danjugan. Sayang daw kasi aalis na kami ng 2pm. Ang dami naming hindi makikita sa Danjugan. Dapat daw isang buong araw ang stay sa Danjugan. Sayang, gusto ko pa naman makita ang sunset sa Danjugan.

Nice! ❤

Maglalakad daw kami sa gilid ng dagat. Mababasa daw ang mga shorts namin kaya naghanda na kaming mabasa. Sabi ni Kuya Roger mababaw lang. Kaya nagtawanan kami nung umabot na sa dibdib namin yung tubig tapos yung isang kasama namin nagtreading na. Wahaha. Yun naman pala ang mababaw. XD

Sa dami ng iba’t ibang tawag sa mga area sa Danjugan, ang tatatandaan ko na lang ay ang Bat Cave. Ang daming iba’t ibang beach. Yung isa pinupuntahan daw ng mga sea turtle, yung isa naman binibisita ng mga baby shark pag summer. Gusto ko makakita ng baby shark!

The Bat Cave

Pagkatapos namakita ang sang katutak ng mga paniki, bumalik na kami para sa merienda na kasama sa package namin: Fresh buko saka turon.

Busog na kami at dumeretso na kami sa snorkeling at kayaking. Dahil limited ang kayak, salitan na lang. snorkeling muna kami.

Sobrang ganda ng snorkeling spots nila. Sayang wala kaming underwater camera. Yung guide namin sa snorkeling nakipaglaro pa kay Nemo. Kinuha nya mula sa ilalim ng dagat at dinala samin. May peek-a-boo pa kami kay Nemo! Cute! Tapos binalik din ni Kuya si Nemo sa ilalim. Gaya sa Carbin, may mga giant clams din na buhay! Ang dami daming kulay. Sabi nga ni Mi, pwedeng itapat sa Coron. Sa Coron daw madaming isda pero dito mas madaming klase ng isda. Yung iba nga daw dito lang nya nakita. This is  coming from someone na madami ng nakitang lamang dagat sa buhay nya. Haha.

Napagod na kami sa pagsnorkeling. Lumalakas na yung current at hindi na kami umaandar pag lumalangoy kami. Sinundo kami ni Mi ng kayak kaso mashado kaming mabigat ni Dha kaya ikinuha na lang nya kami ng tag-isang kayak. Lagot. Pano ako aaykat?

Mi: Dali. Sakay!

Rio: Pano? Babaliktad!

Mi: Hawak ko. Dali.

Rio: *half way na nakasakay* Hindi kaya!

Mi: Mabibitawan ko na. Dali!

Nakasakay naman ako, kaso nga lang nakadapa ako sa kayak. Ginawa kong surfboard ang kayak. Fail. Hahaha. Nung nakaupo na ako ng maayos, si Dha naman ang tinulungan ni Mi makasakay ng kayak nya.

Race daw. kaso gaya nung nangyari sakin sa CME, kung san san pumupunta yung kayak ko. Tapos hindi rin ako marunong magpark. After 10 years, naipark ko din yung kayak ko sabay sabi ng mga kasama ko na babalik na daw kami para sa lunch. Sheesh. Haha. Nagkayak na lang kami pabalik tapos yung mga nagsnorkeling sumakay ng bangka.

Lunch!

After lunch, medyo madilim na at umaambon na. Pinapili kami ni Kuya Roger kung anong gusto namin gawin, snorkeling sa ibang spot or sa beach na lang. Kung kanina lang hindi na kami makaandar sa paglangoy sa lakas ng current, napagkasunduan na nagpunta na lang kami sa isa sa mga beach ng Danjugan para mag pictorial at magpractice ng…

Hindi namin pinagtatawanan yung kasama namin na nalulunod…

At hindi din yan nagpapanggap na bangkay na lumulutang…

HAIR FLIP! Idol namin si Luke kaya nagppractice kami para sa next surfing experience namin. Hahaha. Masakit sa ilong ha. At tatlong beses nila akong inuto para gawin yun. Oo. Nagpauto ako ng tatlong ulit. Hahaha. At dahil hindi ginawa ni Honeylette ang hair flip, may utang siyang Calea cake samin.

Sayang walang maayos na picture para makita ang goal namin na hair flip.

Habang busy kami sa pagpractice ng hair flip, wala kaming kamalay-malay na nagpapatayan na yung mga kasama namin…

Kill!

Wapak!

Oras na para magmerienda uli. Feeding program ito eh… Huling hirit bago kumain.

Jumpshot!

Bagbalik namin, nagbanlaw na kami tapos kumain ng biko. Bago kami umalis, sinilip namin yung isang area kung saan madalas nagmi-meeting ang mga government officials.

Ugali daw ng mga dolphin na pumunta sa shore pag may sugat sila at nararamdaman nilang mamamatay na sila. Natagpuan nila ang isang malaking dolphin (more or less 6ft) sa shore. Ni-try daw nila i-save yung dolphin ngunit wala din, namatay din yung dolphin. Nilibing nila ito. After ilang years, hinukay nila yung skeleton nito at sinabit sa ceiling. Sniff sniff… Yung necklace na nakasabit sa dolphin buto naman ng ahas.

Banlaw banlaw pa kayo ha… Lulusong din naman kayo sa marine clay na kulay green… Eeewwwness…

Pagbalik namin low tide na. Hindi makalapit sa shore yung bangka namin kaya bumaba na kami para maglakad. Ang sumalubong sa pagbaba namin ay napakalambot na marine clay. Si Cha may talent sa paglalakad sa marine clay. Kaming lahat hirap na hirap samantalang sha parang huling bumaba ng bangka at unang narating ang shore. Haha.

Nagkaubusan ng alcohol at wet wipes pagdating namin sa van ni Uncle Sam para matangal ang essence ng marine clay sa mga balat namin. Hinatid na kami ni Uncle Sam sa Saltimboca.

Gabi na kami nakarating ng Saltimboca (pics taken kinabukasan nung may araw na). Nagmamadali kami kasi hinahabol namin ang ANP Negros Showroom na nagsasara ng 7pm. Kaso hindi mashadong cooperative ang mga tao sa Saltimboca. Parang tinatamad silang ihatid kami sa mga room namin at ayaw din ibigay agad yung mga susi namin. Ayus sana yung ammenities kasi may pool at jacuzzi pa sila. Kaso sana mas welcoming yung staff. After 100 years, hinatid din kami sa rooms namin. Nilapag lang namin yung mga bag namin tapos gorah na sa Negros Showroom buti na lang walking distance lang ito sa Saltimboca.

Pagdating namin (705pm) sarado na. Kinatok namin at nakiusap kami sa isa sa mga staff na baka pwede kami sumaglit kasi maaga ang flight namin bukas at 9am pa sila magoopen. Sabi ni ate, try na lang daw namin sa Robinsons kasi mas late sila nagsasara. Kaso narinig kami ng Store Manager at pinagbigyan kami. Yey! Thank you po! Pinagbuksan kami kaya nakabili kami ng mga pasalubong. Buti na lang mababait at accommodating yung mga tao sa ANP, hindi gaya sa Saltimboca. Hmp!

Nagpaturo din kami sa mga staff kung pano pumunta sa Manukan Country kung san balak namin magdinner. Winner yung isaw. Malamang pagbalik namin sa Manila highblood na kaming lahat. At nagtry din kami ng talaba (tumataginting na P20 ang isang plato. Akala namin isang  piraso lang yung P20 na talaba. )

Dahil may Calea cake na utang sa amin si Honeylette, nagpautnaw kami ng mga kinain namin sa Manukan Country. Nilakad namin pabalik ang Calea. Medyo malayo sha kaya yung iba nag-jeep na. Haha.

Yung mga nag-jeep, nauna sa Calea at nagorder na.

Ice Cream cake (top) and Blueberry Cheesecake (bottom)

Yummmm…

Hindi ko alam yung pangalan ng lahat ng cakes. Favorite ko yung Blueberry Cheesecake. May touch ng cinnamon. Gusto namin tikman lahat ng cakes pero busog na busog na kami at nahirapan na kami ubusin yung cakes na libre ni Honeylette. Hehe.

Pagkatapos ng cakes, balik na sa Saltimboca para magpahinga. Kelangan uli magising ng maaga para mamili ng pasalubong at dahil maaga pa ang flight ni Boss Gelaine pabalik ng Gensan.

 

Danjugan Island Marine Reserve and Sanctuaries

+639273037668

Saltimboca

15th St. – Lacson St., Bacolod City, Negros Occidental

‘+639328779488

Calea

Lourdes – C Bldg., Lacson St. Bacolod City, Negros Occidental (034) 433-8664

Potted Potter

Pahinga muna sa Bacolod posts (may dalawang araw pa akong hindi nagagawa). Mashadong mahaba ang mga Bacolod posts eh. Kaya ito na lang muna…

Ang agenda ko ng umaga: Medical Mission sa Rizal National Science High School (RNSHS) organized by the alumi. Kaso kelangan ko umalis ng mas maaga para makaabot sa Potted Potter. Plus, nasa akin ang printed tickets namin kaya bawal ako malate.

Official Poster

With my nihon-esque family, we enter the theater. Habang nagaantay na magstart ang play, napansin namin yung isang actor na hawak yung libro. In character agad! Talagang inantay namin kung gagalaw sha o hindi. Gumalaw naman sha… pero hindi niya nililipat ng page yung binabasa nya. Tapos may nag voice over.

Show starts. Potted Potter squeezed all seven Harry Potter books in 70 minutes. Hindi ko ma-imagine kung pano itatawid ng dalawang actors (Jesse Briton and Gary Trainor) ang seven books ng silang dalawa lang.

Jesse & Gary
Photo c/o ClickTheCity.com

Ang dami naming tawa. Ibang level ang energy nila Jesse at Gary. At kahit nasa Balcony kami nakaupo, kitang kita pa din ang mga facial expressions nila. Winner ang mga props, Hogwarts train, fire-breathing dragon and the wands. Shempre may live Quidditch Match pa na favorite part ni Jesse. Kumpleto ba ang Quidditch kung walang Golden Snitch? Shempre hindi. Hahaha. May mga song and dance number pa!

Photo from ClickTheCity.com

Ang galing nung nagsulat ng play. Hindi nakakasawa yung mga jokes. Bilib din ako kila Jesse at Gary kasi ang bilis nila mag-adapt sa culture natin. Pinagaralan talaga bago sila sumabak sa entablado.  Tapos tatlong shows na sunod sunod sa isang araw. 30 mins lang ang pahinga nila sa pagitan ng mga shows na yun. X.X Definitely a must-see for all the Harry Potter fans out there. Yung ibang nanood nga naka-costume pa. Hehehe.

After ng play, pinagisipan namin kung san kakain kasi nagugutom na kami. Habang naglalakad at nagiisip kumain, nagkkwentuhan kami tungkol sa Cam Norte trip ni Mi.

M: Rio, party tayo sa birthday mo.

R: Sige, San?

M: Sa Calaguas.

R: Ikaw na ang madaming pera.

M: 2k plus lang yung nagastos namin.

R: Talaga? Go!

Boom! Sabog nanaman ako neto. Hahaha.

Maya-maya konti, napagkasunduan namin pumunta kami ng Little Tokyo dahil nagccrave kami ni Mi ng Japanese food at naghahanap din sha ng flour na pang gawa ng mochi. Habang nagddrive si Mi papuntang Little Tokyo, napagusapan ang paghahanap ko ng navigator. Kelangan ko ng lalaking navigator. Haaayy… Ang hirap naman… Pansamantagal, si Dha muna. Haha.

Pagdating ng Ltitle Tokyo, nag-grocery na si Mi para sa mochi nya. At dahil maaga pa, sarado pa yung mga kainan. Lungkot… Plan B. Market Market ang bagsak namin para kumain sa Sushi King. Natawa ako kasi napansin kong may tofu ang order naming tatlo. Kay Dha, sizzling fish and tofu. Sakin naman tofu don. Ang order naman ni Mi sushi at spicy noodles na may tofu.

Hindi kumpleto ang isang meal ng walang dessert. Dinayo pa namin ang Slice sa dulo ng Bonifacio High Street para nagdessert at matikman ang pinagmamalaki nilang Choco Yema cupcake.

(From top to bottom) Choco Yema, Rocky Road and Candyland Choco cupcake

Moist yung Choco Yema cupcake kaya masarap. Gagayahin ko ito. Haha. Yung Rocky Road masarap din. May touch of banana. Yung Candyland, medyo dry yung cupcake pero bumawi sa icing. Gawa sa mamahaling butter yung icing kaya masarap.

Choco Stirrer for Mi

Isang block ng bittersweet chocolate at mainit na gatas. Yum…

Citrus Burst for me

Coffee + Orange tapos may bonus na granola. Hindi ko feel yung granola kaya hindi ko ginalaw. Masarap naman yung coffee. Ang unang malalasahan mo yung asim factor ng orange tapos mawawala at mapapalitan ng coffee. Kaso hindi ko na naubos kasi inaantok na ako… Wrong move.

Kay Dha naman Naked Dark Chocolate. Purong cacao tapos may milk at sugar na nakahiwalay. Ikaw na ang bahala magtimpla. Tinikman ni Dha ngunit hindi kinaya ng powers nya. Para sa isang tao na hindi naglalagay ng creamer sa kape nya at uber konting asukal, matindi talaga yung Naked Dark Chocolate kasi binuhos nya lahat ng milk at sugar sa chocolate ng walang alinlangan.

Habang nagdedessert, napagusapan ang pagdating ng pasko at plinano na namin ang Christmas party ng Kuku-core. Overnight stay sa Taytay. May dalawang choices:

1) Tea party sa Picnic Grove, meaning nakadress lahat with matching hat (lakas lang ng trip) or

2) Rent ng bahay tapos party sa garden.

Paguusapan pa sa email kung anong mangyayari. Sana may raffle uli sa party. Haha.

Slice:

G/F Bonifacio High Street Central, West Superblock, 7th Ave cor 29th St Fort Bonifacio, Taguig (02) 565-1998

Bacolod – Chapel of Cartwheels, Carbin Reef & The Ruins (Day2)

Pagkagising, kinatok na namin yung mga kasama namin. Mayamaya konti dumating na yung second batch (kasama na yung mga naiwan ng plane) para magcheck-in. Habang nagaantay sa mga nagaayos pa ng sarili, lumabas kami ni Dha at Gel para maghanap ng mabibilhan ng breakfast ngunit maaga pa at sarado pa ang mga kainan. Bumili muna kami ng napay (hindi ko napansin yung pangalan nung bakery ^__^? churi), baon namin papuntang Carbin Reef sa Sagay.

Pagbalik namin, dumating na din yung van namin. Nakilala namin si Uncle Sam, ang driver namin papuntang Sagay City. Dahil recommended ni Sir Mon, nakiusap kami kay Uncle Sam para idaan kami sa Chapel of Cartwheels sa Manapla dahil on the way naman ito.

Chapel of Cartwheels

“The Crucifix” of the Chapel of Cartwheels

Pagkatapos ng pictorial, dinaan kami ni Uncle Sam sa bilihan ng masarap na puto sa Manapla. Available in plain and cheese flavor. Ang ine-expect ko yung plain nilagyan lang ng cheese sa ibabaw ngunit hindi. Hahaha. Kulay yellow (duh!) yung cheese flavor na puto, mas bet ko yung plain (himala!) pero masrap parehas.

Mahaba haba ang biyahe papuntang Carbin Reef pero nabawasan ang estimated travel time namin dahil kay Uncle Sam.

Inihatid kami ni Uncle Sam sa Museo Sang Bata Sa Negros, isang interactive children’s museum, pagbaba namin tinawagan ni Mi yung contact nya na maghahatid samin sa Carbin Reef kasi by schedule and punta dun.

Museo Sang Bata Sa Negros

Antay ng konti at dumating na din yung contact namin, at pinasakay na kami sa bangka papuntang Carbin Reef. Bago kami umalis, may nag-brief samin ng house rules. Protected area ang Carbin Reef at bawal maguwi ng kahit ano at lahat ng basura namin dadalhin namin. The  usual stuff. More or less 30 mins ang biyahe. Super excited ako kasi first time ko sa isang sand bar! Woot woot! Ayan na! Natatanaw na namin ang Carbin Reef. Ang ganda!!!!

Carbin Reef! Wow!

Sand Bar! Weeee~

Ayun ang tent namin (rented for P300 for single, P500 naman kung double). Lagayan lang naman ng gamit kaya ok na kami sa single. Hehe.

Nilagay lang namin yung gamit namin sa tent tapos nagpictorial na. Ang linaw ng tubig, may maliliit na isda na sa may shore. ^__^
Snorkeling na! Time to gear up! (P300 per pair, includes gear and guide)

Fins!!!! Ang hirap maglakad ng may fins ah…

Life vest? Check! Goggles? Check! Fins? Check! Pagdating sa snorkeling spot, binaba nila koya yung hagdan(?) deretso sa tubig!!! Dahan dahan kaming naglakad (sabi ni kuya dapat daw patalikod yung lakad pag may fins pero matigas ulo namin at hindi kami nakinig. Haha.)

Ang linaw ng tubig… akala mo mababaw pa pero uber lalim na pala. At ang daming giant clams! Wala nga lang akong nakitang masahdong madaming isda, pero nagenjoy pa din ako.

Nang mapagod kami sa pags-snorkeling, sumampa na lang kami dun sa pang balance ng bangka katig kasi wala na kaming energy umakyat ng bangka. Hahaha. Akala ko hindi ako makakaakyat dahil wala talagang lakas ang arms ko. Hahaha! Ang sarap pala dun maupo. ^__^

Pagbalik sa sand bar, kinain namin yung mga baon naming puto at tinapay at deretso tambay/pictorial.

Sand dollar!

Tanghali na at gutom na kaming lahat. Ang laman lang ng mga tiyan namin ay tinapay at puto. Haha. Bumalik na kami sa Sagay, nagbanlaw sa Museo Sang Bata Sa Negros tapos naghanap na kami ng makakainan.

Glenda’s for lunch

Then pictorial ng saglit sa Legendary Siete sa Sagay City tour bago bumalik ng Winbelle.

Rio, Ann, Rhoda, Heidi, Jaja, Gel and Honeylette

Jeric

Pagbalik sa Winbelle, nagpahinga at natulog ang mga dapat matulog habang nagliwaliw kami ni Dha at Gel at nagpictorial sa Church.

San Diego Pro Cathedra

Loob ng church… So colorful!

Hindi ako nakapasok sa loob ng church kasi wala ako sa wisho… Nahihilo ako at medyo nasusuka. Buntis? Haha.

Pagbalik sa Winbelle, nagpaturo kami sa receptionist kung pano pumunta ng Ruins. Sakay lang daw kami ng bus papuntang Bacolod City then baba sa Talisay. Tapos trike na lang papunta sa Ruins. Ang problema, hindi mashadong alam ng mga tao ang Ruins (weird…) Ibinaba kami ni koya sa Talisay pero malayo pa pala sa sakayan ng trike.

Pagdating namin sa pila ng trike, parang hindi pa sigurado sila koya kung san yung Ruins… Pagkatapos mag-brainstorming nila manong trike driver, gorah na kami sa The Ruins. Grabe yung daan papunta sa Ruins, parang ruined na. Haha. At grabe ang layo! Inabot ng P200 yung trike namin (more or less P30 per head, six kami per trike).

The Taj Mahal of Negros Occidental

Entrance fee is P60 per head. Pag dating namin, namangha na kami sa ganda ng lugar. May lumapit samin at tinanong kami kung gusto namin sumama sa tour. Gorah! Tour!

Meet Kuya Roger!

Hyper si Kuya Roger at super funny. Sumasakit ang ulo ko sa mga jokes niya. Laugh trip talaga. May natutunan pa kami. Yung finishing ng Ruins gawa sa cement at egg whites. EGG WHITES!!! Napakatibay ng binder ng egg whites kahit na sinunog na yung Ruins ng three days, eto, nakatayo pa din.

After ng tour, pictorial uli shempre. Nagulat na lang kami lumapit si Kuya Roger samin at kinuha yung camera ni Ann sabay turo kung saan kami tatayo at magpopose…

Eto, walang special effects. Ipinatong lang ni Kuya Roger yung camera sa ibabaw ng salamin na table sa gitna ng garden… Astig!

Kuya Roger: Isa pa..

Kuya Roger: Dito po tayo…

Kuya Roger: Compress po tayo…

Lahat yan si Kuya Roger ang kumuha. Hahaha. Nakakastress pala maging mowdel. Lalo na kung kasing demanding ni Kuya Roger ang photographer mo. Buong time ng pictorial namin tawa kami ng tawa. Tip: ang pinakamagandang oras na pumunta dito ay mga 530PM. Ang ganda ng lugar during the sunset.

Takipsilim sa Ruins

The Ruins at night… BEAUTIFUL!

At dahil ayaw na namin sumabak sa daan pauwi sakay ng trike, nagpasundo kami kay Uncle Sam pabalik ng Winbelle. Habang nagaantay, bumili kami ng souvenir at tumabay uli kasama si Kuya Roger. Grabe. Hindi sha nauubusan ng kwento at jokes.

Continuation ng laugh trip with Kuya Roger

Kuya Roger: Pag sinabi mong Negros Occidental, ang unang naiisip ng mga tao ay The Ruins. Pag sinabi mong The Ruins, ang unang papasok sa isip ng mga tao ay si Roger.
Hmm… Hindi malayong mangyari yun, Hehe. Thanks so much sa pagtour at pagtambay kasama samin habang inaantay ang sundo namin, Kuya Roger! The best ka! \m/

Dumating na si Uncle Sam at nagulat kami kasi iba ang dinaanan namin pabalik. Maayos yung daan at saglit lang andun na kami sa Silay City proper. Hindi kasi alam nila manong trike driver yung short cut, kaya katakot takot yung daan na tinahak namin papunta ng Ruins kahit na may mabilis palang daan.

Nagpababa kami sa El Ideal kaso, sarado. Bigo pa din. Naghanap kami ng makakainan kaso sarado na ang karamihan ng kainan. 730PM palang… Naglakad lakad na lang kami at nakita namin ang Andie’s. Buti na lang may bukas pa…

Wala nang picture picture ng mga pagkain. Gutom na kaming lahat kaya deretso kain na pagdating ng mga order namin.

Naglakad uli kami pabalik ng Winbelle. Conversation with Mi (my trainer):

Mi: Kabisado ko na ang Silay. After one day, hindi na ako maliligaw.

Rio: … Wala… 😦

Mi: Maghanap ka ng traveling partner mo na may sense of direction para may navigator ka.

Rio: Hindi pwedeng ikaw?

Mi: May traveling partner na ako eh…

So… auditions para maging navigator ko is now open. Requirements: Bonggels na sense of direction (kaya magbasa ng maps) at kaladkarin. Hahaha.

Anyway, pagbalik sa Winbelle, ligo, ayusin ang day bag for tomorrow’s agenda, then tulog. Maaga ang call time namin kinabukasan. 500AM susunduin kami ni Uncle Sam.

Uncle Sam – 09193036501

Carbin Reef – Contact Tourism Office for reservations

Bacolod – Walking Silay Tour (Day1)

From work, pumunta si Dha sa Libis dahil sa bahay sha matutulog para sabay na kami papuntang airport at para matikman ang masarap na waffles ng Hanoel.

Picture c/o Jo (ninakaw ko lang ^__^v)

Nagtanong pa ako kay Zaicy kung san na lumipat ang Hanoel. Sa may Ynares daw so lakad kami ni Dha galing sa bahay papuntang Ynares kaso hindi namin natagpuan ang Hanoel. Napagkasunduan namin na sa KFC sa MIA road na lang kumain kasi baka malate kami sa flight namin.

Saktong sakto lang ang dating namin sa KFC, kung nakita namin ang Hanoel, malamang naiwan kami. Haha. Pagdating ni Mi (aka Deia) sa KFC, sumakay na kami ng taxi papuntang airport. Yung unang nasakyan naming taxi joke time, P100 per km daw. Isang malaking joke si manong kaya bumaba kami. May mga taxi dun na 150 lang asa airport ka na. Tsktsktsk…

Pagdating namin ni Dha at Mi sa airport, andun na sila Honeylette at John at sabay na kami nagcheck-in. Tinawagan ni Honeylette yung ibang kasama namin na kumakain para sabihin na nakapila na kami sa counter.

Si Nice, yung magche-check in samin sa counter sinabihan kaming close na daw ung counter kasi late kami. Shempre naginit ang ulo namin. Naka-mobile check-in kami. At asa pila kami sakto sa oras, hindi namin kasalanan kung matagal yung mga nauna samin sa pila kaya nalate kami. Ang ending, binigay din samin yung boarding pass namin at hinatid kami ni Kuya sa shuttle papunta sa plane. Pagdating namin sa shuttle, nalaman namin na hindi pa nakakasakay yung mga kasama namin. Panic mode kaming lahat. Tinawagan namin sila kaso walang sumagaot. Wala na kaming choice kung hindi sumakay ng plane ng wala sila. Nakausap ni Mi yung isang kasama namin na nasa gate na daw saktong pagsara ng pinto ng plane. Tsktsktsk….

Honeylette, Dha, Rio, Mi
Photographer: John

In fairness sa AirPhil, on time umalis ang plane namin. After an hour, asa Bacolod na kami! Paglapag ng plane, tinawagan agad ni Mi yung mga naiwan sa Manila. Nakapagpare-book sila pero kinabukasan na sila makakarating.

From the airport, sumakay kami ng taxi para ihatid kami sa Winbelle Pension House. Pinakilala kami ni John sa kapatid niyang hyper na si Jaja at Ann (friend ni Jaja). Malinis yung rooms at maayos ang CR kaya ok naman yung place. Tapos very accomodating pa yung mga staff.

Kumain lang saglit then deretso na kami sa walking city tour sa Silay. Bilang assistant ng punong-abala, sakin binigay yung mapa ng city (galing sa Google maps) na may directions na pupuntahan namin.

Silay Walking City Tour Map

Oh no! Pressure much! Medyo madaming liko kaya hinati namin ni Dha yung pag lead sa group. Maliit lang yung city kaya keribells lakarin. Sobrang daming ancestral houses na uber ganda. Sabi ni Mi may options sa net na magrent ng van para sa tour. Pero dahil cheapetiks kami at mahilig kami maglakad, walking tour ang drama namin.

RCBC Building
Ann, Jaja, Honeylette

At dahil ako ang navigator, naligaw kami. Parang magic, narating namin ang Balay Negrense ng hindi namin namamalayan. Ang dapat naming pupuntahan ay ang Hofilena Ancestral House. Haha. In my defense, wala kasing pangalan yung mga street kaya hindi ko alam kung tama yung pinupuntahan ko. XD

Balay Negrense

May entrance na P50 per head. Pasok kami para mag-pictorial. Sayang dahil walang tour guide. Maganda yung bahay pero may creepy factor yung mga damit at sapatos na nakadisplay.

Paano tayo napadpad dito? Paano tayo makakarating sa Hofilena?

Habang nagiikot yung mga kasama namin, fini-figure out namin ni Mi ang mga pangyayari at kung anong next game plan namin. Yung round table na yun?  Isa lang naman shang Family Circle! Astig much!

Sino ba ang nagpauso ng Family Tree? Dapat ganito: Family Circle!

Si Ann may natagpuan na bagong friend na lumabas sa picture nung kinuhanan nya yung isa sa mga damit na nakadisplay. Nagulat na lang kami ng biglang nagtiliian yung mga kasama namin habang kami ay nageenjoy sa souvenir shop.

Ganda noh? 75k lang naman… Murang-mura.

My favorite… kung mayaman lang ako binili ko na ito. haha.

Pagdating nila Ann, pinakita agad nila ang new found friend niya tapos lumabas na kami para magpapicture uli bago kami gumorah sa next destination namin na iniisip ko pa din kung pano ko pupuntahan. >__<

Sa wakas, natagpuan din namin ang Hofilena Ancestral House. By appointment ang punta dito, pero dahil busy mashado si Mi, hindi sha nakatawag. Pagdating namin, bukas ang gate so deretso kami sa loob na parang amin lang yung bahay. May entrance uli na P50 per head. After namin magbayad, pinakilala na samin si Mr. Ramon Hofilena, ang may ari ng napakagandang bahay na kakarating lang galing sa farm nila, bilang tour guide namin sa mga oras na iyon.

Fail kami kasi hindi kami makasagot sa kahit anong tanong nya. Haha. Super astig yung loob ng bahay nya. Naiiyak ako sa ganda. Walang spoiler para pagnagtour din kayo sa bahay nya hindi din kayo makakasagot sa kahit anong tanong nya. Bwahahaha. Astig yung mga collection ng paintings at kung anu-anong anek anek galing sa iba’t ibang bansa. May kwento ang bawat painting at lahat ng bagay na makikita mo. Wish ko lang pwede ko i-record lahat ng sinasabi nya pati na din ang mga nararamdaman kong pagkamangha sa lahat ng sinasabi ni Sir Mon.

Hulaan nyo kung ano yung asa loob ng box na nakuha ni Sir Mon sa Japan. Hindi yan earings…

May demo at brief history pa kami tungkol sa printmaking. Sayang kasi hapon na kami nakarating kaya binawasan ni Sir Mon yung mga kwento niya. Ang normal tour daw sa bahay nya ay inaabot ng half day, pero sa kulang kulang 2hours namin kasama si Sir Mon, sobrang dami kong natutunan. Wish ko lang matuloy ang arts and culture tour niya this December kasi gusto ko pumunta. Sobrang amazing.

Kung makakapunta kayo dito sa bahay ni Sir Mon, may dalawng paintings kayo na makikita na may nakadikit na post-it. Ipatanggal nyo yung post-it sa dalawang paintings. Nashock na kami mashado dun sa isang painting kaya hindi na namin napatanggal yung isa pa. Haha.

Nafeel ko din na natuwa samin si Sir Mon mashado kasi attentive listeners daw kami. Ni-invite pa nya kami to stay overnight (tempting! ang dami pang ikkwento nun sigurado!). Haha.

Pagkatapos ng tour, nagrecommend pa si Sir Mon ng mga masarap kainan at bilhan ng pasalubong sa Silay (Mi taking down notes). Bago kami humayo, shempre hindi kami papayag ng wala kaming picture kasama si Sir Mon. Grabe, sulit na sulit ang pagbisita namin sa Hofilena Ancestral House dahil sa mga natutunan namin. Stay healthy and see you on December, Sir Mon! ^__^

Jaja, John, Honeylette, Sir Mon, Ann, Rio, Mi, Gel, Dha

Hmm… kung hindi kami naligaw hindi namin aabutan si Sir Mon at hindi din kami makakapasok ng Balay Negrense. May magandang dahilan ang pagkaligaw namin. Wahahaha! Oo, pinagtatanggol ko uli ang sarili ko. 😛

Nagiba kami ng daan pauwi kasi iniwasan namin yung haunted house na sinasabi ni Sir Mon, at hinanap namin ang Cafe 1925 dahil highly recommended niya ito. Paglabas namin ng bahay, hinabol pa kami ng isang kasama ni Sir Mon para sabihin na may parada ngayon. Swerte talaga! Naabutan pa namin yung parada. Nice!

Konting lakad lang, nakita na namin ang Cafe 1925 located at the back of Bank of PI (BPI) near El Ideal. While waiting for our food, nagrevise kami ng itinerary bukas para mapuntahan ang Church of Cartwheels na nabanggit din ni Sir Mon.

Maliit lang yung place pero maganda yung ambiance at cozy. Malaki yung serving nila at nakakalula yung mash potato nila. Parang wala ng bukas kung makapag scoop ng mash potato. XD Busog much! Ang pinakamahalaga, sulit ang 190 pesos mo! Good for two na ang isang order. Ayos db?

Pork Sirloin and mash potato with salad

For dessert, pinuntahan namin ang El Ideal para tikman ang Guapple Pie na pinagmamalaki din ni Sir Mon ngunit 830 PM na kami natapos magdinner at sarado na ang El Ideal. Naghahanap kami ng sign kung anong oras sila open ngunit wala kaming makita. 😦

Naglakad kami pabalik ng Winbelle para magpahinga. Ang call time namin kinabukasan ay 7AM. May van na susundo samin para ihatid kami sa Carbin Reef.

Winbelle Pension House in Silay City

2nd Flr, WH Arcade
Rizal Street, Silay City
Negros Occidental
Philippines 6116
+63 (34) 495-5898

Café 1925
14 J. Ledesma St., Silay City, Negros Occidental
Telephone number: (034) 714-7414
Store Hours: Monday to Saturday, 9am-10pm / Sunday 9am-8:30pm

Habang sumisikat si Haring Araw…

August 12, 2012

Matagal nang plano ng Ever Lasting Friends (ELF) na mag swimming sa Club Manila East para sa birthday celebration ni Lori. Dahil may mga nagbackout, ako ang naging kapalit.

Sabay kami ni Zaicy nagpunta sa meeting place: Mcdo Taytay.

Zaicy: Nakita ako ni papa na nagpprint ng voucher. Sabi nya “Magsswimming ka nanaman!

Rio: Gagalit?

Zaicy: Pero ung sinabi ko na kasama kita, wala nang nasabi.

Wahahaha. Meh ganun? Natawa naman ako. Nawala agad ang violent reactions pagkasabi sa pangalan ko?

Fast forward. After 10hours, dumating din ang mga inaantay namin sa Mcdo. Yung iba susunod na lang daw. Sumakay kami ng mga shuttle sa may Mcdo papuntang CME.

Excited ang birthday girl kasi first time sa CME.  Wala mashadong tao kaya wala kaming kaagaw sa mga pool. Wohoo!

Nang makumpleto kami, nagbreakfast na yung mga hindi pa kumakain. Dahil off peak, tanging Chowking lang at Shakey’s ang bukas na kainan. Nang matapos kumain, deretso kami para mag-kayak. Nung una, hindi namin bet ni Jo mag-kayak. Baka hindi kami makaandar. Bwahahaha. Sakto naman may dalawang kayak na walang gumagamit kaya nitry na din namin.

In fairness of all things fair, may narating naman kami sa pag-kayak. Fail nga lang yung plano namin ni Zaicy at Lori habulin si Jo. Nagbanggaan yung kayak namin ni Zaicy kaya si Lori lang ang nakahabol kay Jo. Tsktsktsk… XD

Nagsawa na ang  cute na cute na si Sophie at mainit na mashado kaya tumigil na kami para magswimming. Nagkataong may surfing lessons sa nagiisang wave pool (sarado yung isang pool na mas malaki yung waves pati yung cliff diving area nila. Sad). Nagtatakbo sila Sophie at Athena sa wave pool, saktong sakto sa mga nagaaral mag surf. Sinita kami ng surf instructor na si Paolo Soler dahil baka matamaan ng mga ligaw na surfboard sila Sophie at Athena. Kaya lumipat kami sa kabilang side ng pool na walang nagssurf.

Mayabang kami dahil pinagtatawanan namin yung mga nagssurf. Akala mo nakatayo ako nung nagattempt ako magsurfing. Yung isang bata, idol ako. tinutuhod yung surfboard kaya wala din shang nararating. Ngayon alam ko na kung anong itsura ko habang nagsusurf. Fail. Hahaha.

Winner yung mga kasabay naming mga koreana sa wave pool.

Si atey na naka-stripes parang lost lang. Hahaha. Bawal siguro sila mangitim kasi lahat sila naka jacket talaga sa wave pool. Yung iba nga may bonggang bonggang visor pa. XD Sabi nga ni Zaicy after ng swimming kukunin lang nila yung shoulder bag nila tapos dederetso na ng mall. Wahahaha.

At dahil kasama sa voucher namin ang zipline, gorah kami.

 

Kaso nung nakita ko yung aakyatin namin, plus butas yung hagdan, hindi kinaya ng powers ko at bumaba ako. Binigay ko na lang sa kanila yung free zipline ko. Hahaha.

Back to the batcave wave pool ang drama namin nila Lori, Arnix, Sophie at Athena para antayin matapos yung mga magzi-zipline.

Me, Athena, Jo, Lori, Sophie

Pagkatapos nila Jo, change shift, si Zaicy, Jo at Rowie naman ang mga kasama ko magbantay sa mga chikiting habang nagzi-zipline sila Lori at Arnix kasabay ang mga asawa nila. Habang kami patuloy sa pictorial. XD

Pero ang higlight ay nung nawiwi na ang prinsesang si Sophie. Ang problema nakainom ng tubig si Lori kaya umuubo lang sha at hindi tumatayo para dahilin sa CR ang anak na naiihi. Ang solusyon?

Sophie: Wiwi ako…

Sophie: Ayaw mo tumayo? Eto sayo! *toink*

Lunurin ang nanay! Wahahaha. Kasi naman, naiihi na yung anak inuuna pa ang sarili. ayan tuloy! XD

Mamayang konti, naubos na din ang energy ng mga bata ang nagyaya na umuwi. Pagkatapos ng banlawan portion ng mga bata, eto na si Sleeping Beauty Athena.

Ako, si Zaicy at Jo, lipat swimming pool. Ayaw nila magslide kaya swimming lessons part 2 na lang ni Jo. Ang galing ni Zaicy kasi nakakalangoy sha ng hindi lumulubog ang ulo. Nitry din namin ni Jo pero nahirapan kami.

Zaicy: Motivation lang yan. Bawal mabasa ang buhok, bawal mabasa ang buhok, bawal mabasa ang buhok. Parang bawal lang malunod yan. Kulang kayo sa motivation.

Wahaha. Ganun talaga ang motivation… Bawal mabasa ang buhok = Bawal malunod. XD
At proud din ako kasi malayo-layo na din ang nararating ni Jo sa paglangoy. Nagumpisa kami sa 5inches lang at pagkatapos breathing lessons, nakakaabot na sha ng lagpas 2feet. Magaling! Practice na lang ang kulang, pwede na! ^__^

At dahil advance birthday celebration namin ito para kay Lori, dinner/inuman after swimming sa El Pedro’s Grill.

Nagenjoy ako sa pizza at budbud nila. Nagapagcharge na si Athena at Sophie at patuloy ang kulitan ng dalawa. Pagkatapos ng dalawang bote ng Tanduay Ice, lasing na si Jo. At masakit na din ang ulo ko dahil sa environmental factors. Chos! Ang kulit nulit ni Jo nung may tama na. In denial pa na may tama na sha. Buti na lang hinatid sha ni Rowie hanggang bahay kahit na ayaw nya.

Kinabahan pa nga ako kasi akala ko may tama na din si Zaicy. Hindi ko alam kung pano ko iuuwi ang taong kasing laki ni Zaicy, to think na pangalan ko ang nakataya sa mga magulang nya. Wahaha. Buti na lang hindi naman pala lasing si Zaicy at nakauwi kami ng matiwasay. Hahaha.

 

*Belated Happy Birthday Lori!