Bacolod – Danjugan, Bacolod City Tour (Day 3)

Sorry uber late na yung post. Busy much sa work eh…

 

Check out sa Winbelle. Sa Bacolod City na ang punta namin sa araw na ito. 5am dumating na si Uncle Sam para dalhin kami sa Danjugan.  Dumaan kami sa drive thru para sa breakfast dahilt mahaba haba ang lalakbayin namin. Ang estimated travel time namin ay apat na oras lang naman. Given na past 5am na kami umalis sa Silay, nakarating kami sa Antol, Bulata nga mga 9am. Naks. Iba talaga ang powers ni Uncle Sam. 😄

Boat ride for 30 mins bago marating ang Danjugan Island Marine Reserve and Sanctuaries.

Padating namin sa Danjugan, sinalubong kami ni Kuya Roger at may brief introduction tungkol sa Danjugan. Sayang daw kasi aalis na kami ng 2pm. Ang dami naming hindi makikita sa Danjugan. Dapat daw isang buong araw ang stay sa Danjugan. Sayang, gusto ko pa naman makita ang sunset sa Danjugan.

Nice! ❤

Maglalakad daw kami sa gilid ng dagat. Mababasa daw ang mga shorts namin kaya naghanda na kaming mabasa. Sabi ni Kuya Roger mababaw lang. Kaya nagtawanan kami nung umabot na sa dibdib namin yung tubig tapos yung isang kasama namin nagtreading na. Wahaha. Yun naman pala ang mababaw. 😄

Sa dami ng iba’t ibang tawag sa mga area sa Danjugan, ang tatatandaan ko na lang ay ang Bat Cave. Ang daming iba’t ibang beach. Yung isa pinupuntahan daw ng mga sea turtle, yung isa naman binibisita ng mga baby shark pag summer. Gusto ko makakita ng baby shark!

The Bat Cave

Pagkatapos namakita ang sang katutak ng mga paniki, bumalik na kami para sa merienda na kasama sa package namin: Fresh buko saka turon.

Busog na kami at dumeretso na kami sa snorkeling at kayaking. Dahil limited ang kayak, salitan na lang. snorkeling muna kami.

Sobrang ganda ng snorkeling spots nila. Sayang wala kaming underwater camera. Yung guide namin sa snorkeling nakipaglaro pa kay Nemo. Kinuha nya mula sa ilalim ng dagat at dinala samin. May peek-a-boo pa kami kay Nemo! Cute! Tapos binalik din ni Kuya si Nemo sa ilalim. Gaya sa Carbin, may mga giant clams din na buhay! Ang dami daming kulay. Sabi nga ni Mi, pwedeng itapat sa Coron. Sa Coron daw madaming isda pero dito mas madaming klase ng isda. Yung iba nga daw dito lang nya nakita. This is  coming from someone na madami ng nakitang lamang dagat sa buhay nya. Haha.

Napagod na kami sa pagsnorkeling. Lumalakas na yung current at hindi na kami umaandar pag lumalangoy kami. Sinundo kami ni Mi ng kayak kaso mashado kaming mabigat ni Dha kaya ikinuha na lang nya kami ng tag-isang kayak. Lagot. Pano ako aaykat?

Mi: Dali. Sakay!

Rio: Pano? Babaliktad!

Mi: Hawak ko. Dali.

Rio: *half way na nakasakay* Hindi kaya!

Mi: Mabibitawan ko na. Dali!

Nakasakay naman ako, kaso nga lang nakadapa ako sa kayak. Ginawa kong surfboard ang kayak. Fail. Hahaha. Nung nakaupo na ako ng maayos, si Dha naman ang tinulungan ni Mi makasakay ng kayak nya.

Race daw. kaso gaya nung nangyari sakin sa CME, kung san san pumupunta yung kayak ko. Tapos hindi rin ako marunong magpark. After 10 years, naipark ko din yung kayak ko sabay sabi ng mga kasama ko na babalik na daw kami para sa lunch. Sheesh. Haha. Nagkayak na lang kami pabalik tapos yung mga nagsnorkeling sumakay ng bangka.

Lunch!

After lunch, medyo madilim na at umaambon na. Pinapili kami ni Kuya Roger kung anong gusto namin gawin, snorkeling sa ibang spot or sa beach na lang. Kung kanina lang hindi na kami makaandar sa paglangoy sa lakas ng current, napagkasunduan na nagpunta na lang kami sa isa sa mga beach ng Danjugan para mag pictorial at magpractice ng…

Hindi namin pinagtatawanan yung kasama namin na nalulunod…

At hindi din yan nagpapanggap na bangkay na lumulutang…

HAIR FLIP! Idol namin si Luke kaya nagppractice kami para sa next surfing experience namin. Hahaha. Masakit sa ilong ha. At tatlong beses nila akong inuto para gawin yun. Oo. Nagpauto ako ng tatlong ulit. Hahaha. At dahil hindi ginawa ni Honeylette ang hair flip, may utang siyang Calea cake samin.

Sayang walang maayos na picture para makita ang goal namin na hair flip.

Habang busy kami sa pagpractice ng hair flip, wala kaming kamalay-malay na nagpapatayan na yung mga kasama namin…

Kill!

Wapak!

Oras na para magmerienda uli. Feeding program ito eh… Huling hirit bago kumain.

Jumpshot!

Bagbalik namin, nagbanlaw na kami tapos kumain ng biko. Bago kami umalis, sinilip namin yung isang area kung saan madalas nagmi-meeting ang mga government officials.

Ugali daw ng mga dolphin na pumunta sa shore pag may sugat sila at nararamdaman nilang mamamatay na sila. Natagpuan nila ang isang malaking dolphin (more or less 6ft) sa shore. Ni-try daw nila i-save yung dolphin ngunit wala din, namatay din yung dolphin. Nilibing nila ito. After ilang years, hinukay nila yung skeleton nito at sinabit sa ceiling. Sniff sniff… Yung necklace na nakasabit sa dolphin buto naman ng ahas.

Banlaw banlaw pa kayo ha… Lulusong din naman kayo sa marine clay na kulay green… Eeewwwness…

Pagbalik namin low tide na. Hindi makalapit sa shore yung bangka namin kaya bumaba na kami para maglakad. Ang sumalubong sa pagbaba namin ay napakalambot na marine clay. Si Cha may talent sa paglalakad sa marine clay. Kaming lahat hirap na hirap samantalang sha parang huling bumaba ng bangka at unang narating ang shore. Haha.

Nagkaubusan ng alcohol at wet wipes pagdating namin sa van ni Uncle Sam para matangal ang essence ng marine clay sa mga balat namin. Hinatid na kami ni Uncle Sam sa Saltimboca.

Gabi na kami nakarating ng Saltimboca (pics taken kinabukasan nung may araw na). Nagmamadali kami kasi hinahabol namin ang ANP Negros Showroom na nagsasara ng 7pm. Kaso hindi mashadong cooperative ang mga tao sa Saltimboca. Parang tinatamad silang ihatid kami sa mga room namin at ayaw din ibigay agad yung mga susi namin. Ayus sana yung ammenities kasi may pool at jacuzzi pa sila. Kaso sana mas welcoming yung staff. After 100 years, hinatid din kami sa rooms namin. Nilapag lang namin yung mga bag namin tapos gorah na sa Negros Showroom buti na lang walking distance lang ito sa Saltimboca.

Pagdating namin (705pm) sarado na. Kinatok namin at nakiusap kami sa isa sa mga staff na baka pwede kami sumaglit kasi maaga ang flight namin bukas at 9am pa sila magoopen. Sabi ni ate, try na lang daw namin sa Robinsons kasi mas late sila nagsasara. Kaso narinig kami ng Store Manager at pinagbigyan kami. Yey! Thank you po! Pinagbuksan kami kaya nakabili kami ng mga pasalubong. Buti na lang mababait at accommodating yung mga tao sa ANP, hindi gaya sa Saltimboca. Hmp!

Nagpaturo din kami sa mga staff kung pano pumunta sa Manukan Country kung san balak namin magdinner. Winner yung isaw. Malamang pagbalik namin sa Manila highblood na kaming lahat. At nagtry din kami ng talaba (tumataginting na P20 ang isang plato. Akala namin isang  piraso lang yung P20 na talaba. )

Dahil may Calea cake na utang sa amin si Honeylette, nagpautnaw kami ng mga kinain namin sa Manukan Country. Nilakad namin pabalik ang Calea. Medyo malayo sha kaya yung iba nag-jeep na. Haha.

Yung mga nag-jeep, nauna sa Calea at nagorder na.

Ice Cream cake (top) and Blueberry Cheesecake (bottom)

Yummmm…

Hindi ko alam yung pangalan ng lahat ng cakes. Favorite ko yung Blueberry Cheesecake. May touch ng cinnamon. Gusto namin tikman lahat ng cakes pero busog na busog na kami at nahirapan na kami ubusin yung cakes na libre ni Honeylette. Hehe.

Pagkatapos ng cakes, balik na sa Saltimboca para magpahinga. Kelangan uli magising ng maaga para mamili ng pasalubong at dahil maaga pa ang flight ni Boss Gelaine pabalik ng Gensan.

 

Danjugan Island Marine Reserve and Sanctuaries

+639273037668

Saltimboca

15th St. – Lacson St., Bacolod City, Negros Occidental

‘+639328779488

Calea

Lourdes – C Bldg., Lacson St. Bacolod City, Negros Occidental (034) 433-8664