Bacolod – Shopping ng pasalubong (Day4)

Huling araw na namin sa Bacolod kaya ang agenda namin ay bumili ng pasalubong. Maaga ang flight ni Gel kaya maaga din kaming gumising para makabili ng pasalubong. After breakfast, dumeretso na yung mga pupunta pa ng palengke at kaming mga naiwan ay pupunta na lang sa Virgie’s. Dun na lang daw magkikita.

Ang problema lang, hindi alam ng mga locals dun ang Virgie’s kaya naligaw nanaman kami at nagpaikot-ikot sa bayan. Buti na lang nakasalubong namin sila Mi na nauna sa palengke at nakita din namin ang Virgie’s. At pagdating namin, sarado pa. Pinadaan kami sa likod para makapasok at makapamili na. Hongsosyal. Second time na pinagbuksan kami ng saradong tindahan. Panic buying kaming lahat. Haha.

Pagbalik namin ng Saltimboca, dumating na ang sundo namin pabalik ng Silay. Hindi na si Uncle Sam ang driver namin dahil pinagpalit nya kami kay Xian Lim. Tsktsktsk. Hinatid muna namin si Gel sa airport at bumalik kami sa Winbelle. Kumuha kami ng isang room para may lapagan kami ng gamit habang nagiikot sa city sa huling pagkakataon. Yung malaking room ang binigay samin ni ate para magkasya lahat ng gamit namin. Yan ang customer service! ^__^

Naghiwalay ang grupo, yung second group pinuntahan si Sir Mon habang kami ay magiikot nung mga hindi namin napuntahan nung first day.

First stop: Bernardino Jalandoni House Museum. Sa dami ng ancestral houses sa Silay, tatlo lang ang bukas sa public at ito na yung third. Php50 ang entrance fee at may kasama ng tour.

Pagpasok sa museum, medyo may kilabot factor na. Gusto ko na lumabas agad agad. Lalo na nung nakita ko ang kwarto na naglalaman ng doll collection ni Ms. Bella Galang. Oo, takot ako sa mga dolls…

Kating kati na ako umalis ng kwartong yun kaya umakyat na kami at hindi na namin inantay yung guide namin kasi nageentertain pa sha ng ibang guests.

Ang favorite ko ng Jalandoni house ay…

Santol Roots… Seriously…

Hindi na talaga namin tinapos yung tour at binalikan namin yung San Diego Pro Cathedral para dun sa mga hindi pa nakakadaan. Tapos hinanap din namin yung Cinco de Noviembre marker na nabanggit nung guide sa Jalandoni.

Tapos hinanap na namin ang Emma Lacon’s Pastries na across ng BPI na green gate. Bahay lang pala yun at walang kahit anong sign sa labas kaya good luck talaga sa paghahanap. Medyo hindi pa kami sigurado kung tama yung green gate na pinasok namin pero nung paakyat na kami ng stairs, naamoy na namin ang goodies sa loob. Ang bango bango!

Eto na ang Pili Squares… Magsisisi ang bumili ng half neto sa sobrang sarap. Kahit ito lang ang iuwi mong pasalubong, solve na.

Bakit ba half lang ang binili ko. Dapat mga tatlong whole….

Empanada and Panyo-panyo

Masarap din yung empanada. Half cooked pa lang pero pinatulan na namin, pwde naman i-fry or i-bake pagdating sa bahay. Binigyan din naman kami ng instructions kung pano lutuin pagdating namin sa Manila.

Fresh Lumpia

Winner din ang fresh lumpia nila kahit walang sauce. Bumili kami para kainin sa lunch. Dinaanan din namin ang El Ideal (sa wakas!) para matikman ang Guapple Pie. Masarap! To think hindi ako fan ng guava, natuwa ako sa Guapple Pie. Kaso medyo mahirap shang iuwi. Baka warag warag na pagdating mo ng Manila… Unless isang buo ang iuuwi mo…

Nauna na ang dessert bago kami maglunch sa Tama Plaza. Medyo malayo sha dahil sa tabi pala ito ng dagat. Fresh sea food!!! Yummmm!!!

Stuffed squid ❤

Sizzling squid

Mura na masarap pa. Good for two ang isang order. Kahit na nakapag dessert na kami, ang dami pa din naming nakain na squid at shrimp. Busog na busog kaming lahat sa pagkain at sa tawa. Ayus!

Kinontrata na namin yung isang van para daanan kami sa Winbelle ng 2pm para ihatid kami sa airport bago kami bumalik sa Winbelle. Konting kwentuhan kung anong nakita nung second group sa bahay ni Sir Mon.

2pm bumaba na kami para antayin si koya. Nagpapanic na kami kasi 230 na wala pa si koya. Buti na lang dumating sha bago kami maghanap ng ibang masasakyan papuntang airport.

BYE BACOLOD! WILL COME BACK SOON!

 

 

Advertisements