Expo para sa mga kaladkarin

Kahit na wala kaming budget para magbook or magreserve ng package, pumunta pa din kami ni Rhoda sa Travel Expo sa SMX. Ang daming tao at ang haba ng pila sa mga airline booths. May nakita pa kaming familiar faces na nakapila sa PAL. Nakakawindang lang ng slight kasi sa US dollars yung prices ng karamihan ng flights. Hindi gumagana utak namin para magconvert. Haha.

DSC_0153

Ang unang booth na sumalubong samin ay ang Japan booth na nakalista na na yung activities nila for the whole day. Binigyan agad kami ni ate ng list ng activities nila at kinakausap ako kahit hindi ko sha naggets. Kaya umikot na lang namin muna at nagdecide na bumalik sa booth sa oras ng mga gusto naming activities.

jap

Nagpalista kami para sa picture with Hello Kitty, napanood namin yung Karate Demo, nasaktohan yung free taste ng Taiyaki, inantay ang Sushi making demo at Calligraphy Workshop. Pero ang main event (parang boxing lang?) ang pagpapapicture namin kay kuyang bishonen. Sumimasen, aniki… do you have? Hahaha. Pretty nya noh?

Kada ikot namin and dulo namin ay Japan booth lagi, parang may magnet lang na humahatak samin pabalik ng Japan booth. Hahaha. At hindi si kuyang bishonen ang dahilan ng pagbalik namin ha. Slight lang.

Sa Thailand booth naman, ito ang bumati samin.

thailand

Pinanood namin sila ateng sumayaw at mag lip-sync. Magingat sa mga makikinis na nilalang na nakikita nyo. Pag nagsalita yan magugulat kayo. Nawindang kami na talagang yun ang pinromote ng Thailand booth. At pag napapicture ka, kukunin nila yung kamay mo at ilalagay nila sa waist nila. Toroy! At may free Thai massage din pala.

Lunch time na. Ni-try namin ang chorizo burger at mushroom fries sa Pablo’s.

DSC_0155

Winner ang sarap ng burger at mushroom fries! Sana may branches sila na malapit, kaso nung nagtanong ako, windang ata si kuya ang binigay sakin pang franchise na card. Hmmm…

At para hindi naman masayang ang pagpunta namin sa Travel Expo, naghanap na lang kami ng tour packages para sa Bohol namin this year. May nakita kaming kayak adventure na bet namin isingit sa hectic itinerary namin. Magagawan ng paraan masingit yan.

Napansin din namin ang Guam booth kasi may sumasayaw sa stage. Ang ganda ng mga kanta na tinugtog at sinayaw nila. Gusto ko matutunan yung sayaw nila na may arnis kasi parang ang saya saya ng sayaw at simple lang para sa mga taong gaya ko na walang mind and body coordination. And pretty ng isang dancer kaso hindi kami nakapagpapicture kasi kelangan umakyat sa stage at ang daming tao. Na-inspire tuloy kami pumunta ng Guam para maghanap ng magkapatid matutunan yung sayaw nila at sumayaw sa beach.

jal

Sa Japan Airlines (JAL) booth naman may games at face painting sila. Naaliw ako sa isang game nila gamit ang chopsticks. May 5ng empty mineral bottles and pingpong balls. Gamit ang chopsticks ilalagay mo yung pingpong ball sa ibabaw ng bottle 1 tapos ililipat mo hanggang mo sa bottle 5. May 1 minute ka para matapos yung game tapos may prize ka. Nagalangan ako magtry kasi hindi naman ako expert sa pag gamit ng chopsticks. Nung trial ko, kung saan saan napunta yung pingpong balls kaya hindi na ako nagexpect nung tunay na game na. Surprise! Natapos ko sha in 1 minute ng sakto! Haha. May prize ako!

Ang haba ng pila sa face painting at habang nagaantay kami ng turn namin, napansin namin yung mga staff sa Guam booth. After ng butterfly painting ko at Sakura painting ni Rhoda, nag sign up kami sa Guam booth at nagpapicture kila Kuya. Sign up para saan kamo? No idea. Basta nagsulat lang kami para makausap sila kuya at magpapicture. Paraparaan lang yan. 😄

2

Si Kuya na katabi ko, mabenta sa mga girls. Simula ng pagpila namin sa face painting hanggang sa pagkatapos namin, asa stage lang sha at nagpapapicture. Nung napagod naupo na pero nagpapaicture pa din. May kasama pang akbay ha! Ang haba ng hair! 😄

After 6 hours, lumabas din kami sa expo at uminon ng milk tea dahil sobrang uhaw na kami kahit ang dmai naming busog.

Cobo: Awesome Possibilities

Cobo: Awesome Possibilities

Natuwa ako sa tagline nila na Awesome Possibilities, Everything is possible for one who believes. Ordinary lang yung tea nila pero ang winner yung sago nila. Magic sago na parang bubble wrap. Pag kinagat mo may juice sa loob! Bonggels! Ang galing. Kung malayo ang MOA para sa inyo, meron din pong Cobo sa Victory Mall sa Antipolo. Try nyo yung  Bubble Burst flavors nila. Dapat yung Bubble Burst ha. Yung iba kasi normal na sago lang.

Pauwi na kami ng madistract kami sa Chinese Painting Exhibition.

paint

Ang gaganda ng gawa nila, merong scrolls, fans at light lantern.

Pagod much pero super enjoy naman ang Travel Expo. Hindi ko alam kung pano ako nakatagal ng 6 hours na nakatayo. O_O